Tawag sa love kaya nagagawang abusuhin ng ama ang kanyang anak
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 17, 2020
- 2 min read
Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa iba’t ibang klase ng pag-ibig o love. Ang love ay maraming larawan. Hindi ito isang bagay lang na akala ng iba ay simply in love lang. Masalimuot ang pag-ibig at dito nagsisimula ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ng bawat tao.
Ang “storge love” ay kilala sa tawag na family love, ito mismo ang love kung bakit nagmamahalan ang pamilya. Kaya ang pagmamahal sa mga anak ay storge love, gayundin ang motherly at fatherly love.
May mga pagkakataon na na-in love ang babae sa mas matanda sa kanya, as in, malaki ang kanilang age gap. Aakalain ng babae na true love ang nadarama niya, as in, love between a woman and a man na sa biglang tingin ay romantic love na sa istriktong paghahanay ay erotic love lang.
Sa malalim na pagsusuri, ang pagmamahal ng babae sa matandang partner niya ay storge love at hindi ‘yung nasa isip niya na true love. Sa ganitong takbo ng katotohanan, ang storge love ay ang pagmamahal ng mas batang lalaki sa matandang babae.
May pagkakataon na ang magkasintahan ay nag-aaway dahil hinahanap ng babae ang mga katangian ng kanyang ama sa lalaking kasintahan, gayundin, ito ay isang expression ng storge love.
Sa kabilang banda, may mga lalaki na ang hinahanap naman ay ang mga katangian ng kanyang ina sa kanyang girlfriend kaya sa huli, sila ay hindi magkaintindihan at mas malamang na mauuwi sa hiwalayan ang relasyon.
Ang madalas na laman ng mga balita na inabuso ng ama ang kanyang anak na babae ay isa ring klase ng storge love kung saan masasabing na-in love ang ama sa anak, kaya nagawan niya ng imoral na bagay.
Ang ganitong pangyayari ay mahirap paniwalaang storge love. Gayundin, makikita sa isang ina na nakaaway ang girlfriend at kung minsan pa nga ay asawa ng kanilang anak na lalaki dahil mahirap mang aminin, ang ina ay napamahal sa kanyang anak kung saan ang kanyang pagmamahal ay napabibilang sa storge love.
Ikaw, may mahal ka ba ngayon? Mas magandang suriin mo ang pagmamahal na nasa puso at kalooban mo nang sa gayun ay hindi magkaroon ng pagkalito sa iyong love life.
Gayundin, mas magandang suriin natin ang pagmamahal sa atin ng ating mga partner nang sa gayun ay mamuhay tayo nang maayos at makaiwas sa mga suliraning dulot ng maling depinisyon ng love na ating pinasok.
(Itutuloy)




Comments