top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sekyu na gusto nang mag-resign, yayaman kung pampabyuti ang inenegosyo

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 17, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Nagtatrabaho ako sa bangko bilang security guard. Balak ko nang mag-resign dahil mas gusto kong magnegosyo. Kaya gusto kong magnegosyo ay dahil may magpapahiram sa akin ng puhunan. Ano ang bagay na negosyo sa aming mag-asawa at kung magnenegosyo kami, susuwertehin at yayaman ba kami? October 23, 1980 ang birthday ko at July 8, 1980 naman ang misis ko.

Umaasa, Mr. Scorpio ng Burgos, Botolan, Zambales

Dear Mr. Scorpio,

Kung ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Libra at Scorpio ang tatanungin kung saan ang ganyang zodiac signs ay tinatawag na "cusp", masasabing, “suitable careers will be found in work that actively helps others, such as surgeon, spiritual healer, psychiatrist or psychologist, and in work dealing with the public welfare such as police officer, detective, undertaker or research worker. Suitable careers are also to be found in all the beauty and luxury trades, e.g., artist, beautician, hairdresser, antique dealer, jeweler; also in go-between situations, e.g. diplomat, receptionist, auctioneer, appraiser, legal counsel.”

Dagdag pa rito, bagay sa iyo ang lahat ng negosyo patungkol sa tindahan, grocery at lahat ng produktong may kaugnayan sa tubig at pampaganda. Gayundin sa butil at pang-araw-araw na pangangailangan ng tao tulad ng bigas, tubig, asukal, kape, sabon, mantika at iba pang negosyong may kinalaman sa pagpapaganda, pagkain at libangan.

Kung kasosyo o kasama mo naman si misis na isinilang noong July 8, 1980, sinasabing siya ay “suitable in jobs connected with looking after people, e.g., caterers, hoteliers, nurses or domestic-science teachers; in jobs connected with the sea, e.g. fishermen or sailors and in jobs to do with the past, e.g. antique dealers, auctioneers, historians and curators.”

Bagay din kay misis ang lahat ng produktong may kaugnayan sa pampaganda, dekorasyon, pagkain, karinderya, restoran, cake, biscuits, cookies at iba pang kauri nitong pangmeryenda at lahat ng uri ng pagkain.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung magsisimula kayong magnegosyo, magandang magbukas ngayong taon ding ito ng 2020 sa mga buwan ng Abril, Mayo, Setyembre at Disyembre kung saan ituon n’yo lang ang pagbubukas ng negosyo sa panahong nasa new moon, first quarter hanggang nasa full moon, partikular sa mga petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 7, 16 at 25, sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Linggo. Isaalang-alang din ang mga kulay na berde, gray, silver, pula, metallic o powder blue para sa opisyal na kulay ng inyong negosyo.

Sa sandaling nasunod n’yo ang mga simpleng mungkahing nabanggit, tiyak ang magaganap sa taong 2031, sa edad ninyong 51 pataas, uunlad ang inyong negosyo hanggang sa kusang matupad ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page