top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

O, ano pang hinihintay mo? Itsek mo na! Square hand at malaman na palad, yayaman nang sobra sa pagne

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 16, 2020
  • 2 min read

Katanungan

Saan nakikita sa guhit ng palad kung ang tao ay susuwertehin sa negosyo? Kagagaling ko lang abroad at may konting ipon ako. Ang problema, wala akong ideya kung ano ang mapalad kong negosyo at anong negosyo ang bagay sa akin at kung sakaling makapagnenegosyo ako, hindi naman kaya ako malugi tulad ng iba? Kasagutan

  1. Upang magtagumpay sa negosyo, bukod sa kailangang may Business Line o Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. B-B arrow a.), kailangan ding straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad dahil kapag ikaw ay nagtataglay ng straight Head Line (arrow b.), ito ay kasiguraduhang ikaw ay magtatagumpay sa kahit anong papasukin mong negosyo at pangangalakal.

  2. Ibig sabihin, kapag straight ang Head Line (arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay indikasyon na ikaw ay may ugaling praktikal, hindi maawain, bagkus ay may pagkamateryoso at mahilig magpayaman. Bukod sa nasabing katangian ng mga taong may straight Head Line (arrow b.), mahusay din silang magdesisyon sa larangan ng pananalapi dahil may kakayahan silang disiplinahin ang kanilang sarili, maging matipid, maramot at masinop sa kanyang gawain at pag-uugali. Ang mga ingredients o sangkap na ito ang siyang pangunahing kailangan upang ang isang mangangalakal ay maging successful at napakayamang negosyante.

  3. Bukod sa nasabing mga guhit, makatitiyak din ng matagumpay na pagnenegosyo ang tao kung siya ay nagtataglay ng square hand o medyo pa-square na hugis ng palad (arrow c.), tumatalbog at malaman kapag sinalat at kakaunti lang ang guhit.

  4. Ang mga deskripsiyong nabanggit sa itaas ay indikasyon na may konsentrasyon ka sa iyong ginagawa at puno ng enerhiya at sigasig ang iyong isipan at pangangatawan na magpayaman at magpalago ng kabuhayan sa bawat paggising mo sa umaga, ‘yung tipong masiglang-masigla ka at gustung-gusto mo nang harapin ang buhay para magpayaman.

Mga Dapat Gawin

  1. Samantala, ayon sa zodiac sign mong Capricorn, bagay na bagay sa iyo ang lahat ng agricultural products, kabilang ang mga produktong pagkain tulad ng bigas, karne, itlog, mga produktong butil, mantika, noodles, de-lata at iba pang kauri nito. Ang paghahayupan o mga produktong galing sa mga hayop ay maaari mo ring isaalang-alang dahil maaari itong magpayaman sa iyo.

  2. Dahil mukhang nasa mga palad mo ang mga guhit na binanggit, tiyak ang magaganap, kung magsisimula ka nang magnegosyo ngayong 2020 sa buwan ng Mayo, unti-unti nang lalago ang inyong negosyo hanggang sa bandang huli, paglipas ng 8 hanggang 10 taon, bago sumapit ang edad mong 56 pataas, maunlad na maunlad na ang iyong negosyo hanggang sa hindi mo namamalayang yumayaman ka na at payaman pa nang payaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page