Kaya tumagal nang 4 yrs… Jasmine, hapi na di kontrolado ng BF

Photo: @jeffortega
Four years nang magkarelasyon sina Jasmine Curtis-Smith at non-showbiz boyfriend niyang si Jeff Ortega. Very supportive sa kanyang career ang BF kaya nakakapag-concentrate si Jasmine sa kanyang trabaho. Hindi seloso at naiintindihan daw ni Jeff ang buhay-artista kaya nagiging inspirasyon siya ni Jasmine.
Habang nagtatagal ang kanilang relasyon ay lalo nilang nakikilala ang isa’t isa.
May sweet message si Jasmine para sa kanyang boyfriend na naka-post sa Instagram account ng aktres at marami ang kinilig dito.
Aniya, “Four years of sharing ramen bowls… and working towards our dream!”





Comments