top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Matinding kahirapan, mas malalang sakit kesa sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 14, 2020
  • 1 min read

Mahigit limang milyong manggagawa sa bansa ang apektado ng coronavirus disease (COVID-19). Kabilang sila sa mga nagtatrabaho sa in­dustriya ng turismo.

Napag-alaman na marami na ang nagkansela ng hotel bookings sa iba’t ibang tourism destination sa Pilipinas. Pi­nakamatinding apektado ang isla ng Boracay kung saan aabot nang hanggang 60 porsiyento sa mga hotel booking ang kinansela ng mga turista.

Pumapangalawa ang Bohol, na isa sa mga lugar na binisita ng ikalawang confirmed case ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga hotel naman sa Cebu ay lugi na umano ng P100 milyon mula nang ipinatupad ang travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.

Samantala, may mga kumpanyang specialized sa China markets ang pansamantalang hindi muna nag-o-operate ha­bang may ilan naman na tuluyan nang nagsara.

At sa mahigit limang milyong manggagawa, isipin na lang natin kung gaano pa karami ang pamilyang apektado. Paano na ang pang-araw-araw na pagkain, gastos sa eskuwela at iba pang pangangailangan?

Malinaw na hindi lang COVID-19 ang dapat nating labanan kundi maging ang banta ng kahirapan.

Kailangan nang makaisip ng mga alternatibong mapag­kakakitaan. Hindi naman problema ang abilidad dahil likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Ang kailangan lang sa ngayon ay oportunidad at suporta mula sa ating gobyerno.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page