Head teacher, timbog sa shabu
Isabela - Isang head teacher ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa bayan ng Cabatuan.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad upang makilala at madakip ang iba pang kasamahan nito sa sindikato ng droga na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na may natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya naglunsad ng drug-bust operation ang mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nang ilabas na ng suspek ang mga ibinebenta niyang shabu ay dito na siya inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na apat na sachets ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek at sa ngayon ay nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments