Beal, bumida sa Wizards; Lakers, naka-OT vs. Nuggets
- MC / ATD
- Feb 14, 2020
- 1 min read

Nanatiling mainit ang laro ni Bradley Beal kahapon nang umiskor siya ng game-high 30 points pagdating sa 4th quarter nang lipulin ng Washington Wizards ang New York Knicks, 114-96 sa final game bago idaos ang NBA All-Star Break.
Dinaig ng Wizards ang Knicks, 37-23 pagdating ng 4th quarter hanggang sa masungkit ang ika-5 ulit na panalo sa 7 laro. Naglaro ang Washington para sa tangkang pagsampa kaagaw ang Orlando Magic sa 8th place at final playoff spot sa Eastern Conference.
Natalo ang Knicks sa ika-2 kasunod ng season-high four-game winning streak. Umiskor si Beal ng 30 puntos sa back-to-back games, at naipatas ang 9 na panalo sa huling 11 mga laro. Samantala, sa iba pang laban, nagtala ng bagong triple-double si LeBron James upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 120-116 pagdomina sa Denver Nuggets sa overtime.
Umiskor ng napakalupet na 32 points, 14 assists at 12 rebounds si James upang itala ang ika-12 triple-double ngayong season. Bukod kay James, bumasket din ng 33 points si Anthony Davis upang makatulong sa Los Angeles, na tutungo na sa All-star break tangan ang four-game lead kontra sa second-place Denver sa Western Conference. Tumingkad din sa 23-5 ang NBA-best road record ng Lakers. Nakatipon ng 33 points si Jamal Murray para mamuno sa Nuggets, na natapos na rin ang four-game winning streak.
Sa iba pang laban, tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks, 127-105; nagmadyik ang Orlando vs. Pistons, 116-112; naisahan ng Indiana Pacers ang Milwaukee Bucks, 118-111 at nanalo ang Brooklyn Nets sa Raptors, 101-91.





Comments