top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Pebrero 13, 2020 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Feb 13, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 13, 2020 (Huwebes): Tinitiyak ng iyong kapalaran na ma­taas ang iyong maaabot sa bu­hay. Huwag na huwag kang bibitaw sa iyong mga pa­ngarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pa­paangat pa ang iyong ka­buhayan kaya samantalahin mo ito ha­bang maganda ang pagka­ka­taon. Ang iba pang aspeto ng iyong buhay ay huwag mo nang gaanong pagka­abalahan ngayon. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-27-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakasan mo ang loob mo dahil nakapa­bor sa iyo ang mga nakata­taas. Hindi ka mabibigo, sa halip ay sobrang matutuwa ka. Ito ang maagang regalo ng langit sa iyo para sa Araw ng mga Puso. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-22-27-37-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kinabukasan ang dapat mong tutukan. Ang taong nabubuhay sa kasalu­kuyan ay walang magandang inaasahan sa hinaharap. Ang taong nabubuhay sa naka­ra­an ay walang kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Madara­ma mong ma­layo ang agwat mo sa isang nag-aakalang madali ka niyang mabibihag. Ang hindi niya alam ay ma­lakas na kutob mo ang mag­liligtas sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-18-26-28-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ku­nin mo ang para sa iyo, pero i­ngatan mo ito nang hindi muling mapunta sa iba. Ang labis na tiwala sa sarili ang kadala­sang dahilan ng pagpapa­baya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-18-21-28-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mag-aksaya ng mahahalagang oras. Kailangan mong ma­unawaan na ang sobrang matagal magdesisyon ay pagsasayang lang ng oras. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-9-12-25-29-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo pa ang pagsisi­kap mo nang sa gayun ay lalong sumulong ang buhay mo. Kung sino ang maraming hakbang pasulong ay siyang magtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-27-28-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang sumagad sa pagkagastos dahil hindi puwedeng ipa­ngako ang bukas. Ibig sabi­hin, ang hindi pa nangyayari ay hindi dapat na asahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-20-21-23-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapala­ran. Kung wala kang ga­gawing maganda, alam mo na ang kahihinatnan. Muli, hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-1-16-29-30-31-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipagpa­liban ang pu­wede namang tapusin nga­yon. Isang malaking kata­maran ang may kailangang gawin, pero ayaw gumalaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-26-28-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malala­king suwerte ang nag-a­abang sa landas ng buhay mo. Ang nagsasabi sa iyo na wala kang magandang b­uhay na kapag ikaw ay kan­yang ini­wan, siya ay nag­sisinu­ngaling. Ma­suwer­teng ku­lay-green. Tips sa lotto-19-20-24-28-37-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pi­nagpapala ang maaamo, mina­malas na­man ang suplado at pala­away. Nga­yong alam mo na kung ano ang batayan ng magandang buhay, wala nang dahilan para hindi ka umunlad. Ma­suwerteng ku­­lay-yellow. Tips sa lotto-7-16-25-27-35-44.

Valentine date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page