top of page

Palad ng magkakaroon ng forever at masayang pamilya

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 12, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan Twenty-six years old na ako at may boyfriend, gayundin, nagbabalak na kaming magpakasal next year. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung paano malalaman o makikita sa guhit ng mga palad kung ang tao ay magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa? Kasagutan 1. Ang unang titingnan upang matiyak na ang tao ay magkakaroon ng maligayang love life na hahantong sa matagumpay na pagpapamilya ay ang maayos, malinaw, walang patid at bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ay tanda na hindi daranas ng matitinding kabiguan sa pag-ibig ang sinumang nilalang na may magandang Heart Line (arrow a.), higit lalo kung ang magandang Heart Line na ito ay nagsimula sa Bundok ng Jupiter na tinatawag ding Bundok ng Kaligayahan (arrow b.).

2. Ito ay tanda ng maligayang pag-ibig at pag-aasawa, lalo na at nagkataong sa “fork” o tila tinidor na guhit nagsimula ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ang relasyon, pag-ibig o pag-aasawang masasabing “made in heaven” at maligayang-maligaya.

3. Bukod sa nasabing mga palatandaan, kinakailangan ding iisa lang ang malinaw at makapal, tuwid, wala ring bilog at hindi rin nalatid o hindi nabaluktot na Marriage Line (Drawing A, at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ay tanda na sa sandaling nag-asawa na ang nasabing indibidwal, masisigurado ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya. Mga Dapat Gawin 1. Sa madaling salita, Janice, sa asignaturang palmistry, kapag pinag-usapan ang pag-ibig, pakikipagrelasyon at pag-aasawa, kailangang suriing mabuti ang uri o hilatsa ng Heart Line (h-h arrow a.) at Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ng indibidwal.

2. Sa sandaling kapwa ito naging maganda, walang bilog, biyak, dire-diretso lang ang pagkakaguhit, walang humadlang na guhit o nag-ekis sa nasabing Heart Line at Marriage Line, tulad ng naipaliwanag na, ito ay maliwanag na indikasyon na ang nagmamay-ari ng nasabing palad ay makararanas ng matagumpay, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page