Most wanted na rapist, timbog
Isabela — Inaresto ng pulisya ang most wanted na rapist kamakalawa sa Bgy. Wigan, Cordon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rufino Matibla, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Matibla sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa naturang lalawigan.
Nabatid na isang residente sa nasabing barangay ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Matibla kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.





Comments