Horoscope | Pebrero 12, 2020 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Feb 12, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2020 (Miyerkules): Iwasan mo ang anumang sigalot sa pagitan mo at malalapit sa iyo, ituon mo ang lahat ng lakas mo sa pagpapaunlad sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, pagiging mahinahon ang iyong kailangan. Ang kababaang-loob ay panatilihin mo dahil kapag mapagkumbaba ka, tiyak na pagpapalain ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag pinapili ka ng iyong kapalaran sa kung ano ang gusto mo, yaman o tahimik na buhay, piliin ang huli. Sa tuwa sa iyo ng langit, parehong ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-26-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala kapag hindi mo agad nakuha ang gusto mo. Mapasasaiyo rin ito, ang mahalaga ay ang matuto kang maghintay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-23-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag nawalan ka ng mahalaga sa iyo, lihim kang matuwa dahil ang ipapalit ng langit sa mawawala sa iyo ay labis mong ikatutuwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-18-25-27-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maghanap ka at ikaw ay makakakita, ito mismo ang nakasulat sa Banal na Aklat. Ito rin ay para sa mga taong naghahanap ng makakasama, habambuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-23-30-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga palakuwento kung ayaw mong maloko. Lalong hindi ka makasisingit dahil sa walang tigil na kasasalita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-22-25-27-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong layuan ang taong minsan nang nakatulong sa iyo dahil hindi lahat ng pagkakataon ay puwede mo siyang lapitan. Pang-unawa ang iyong kailangan kaya siya ay iyong unawain. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-28-31-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit maliit, tumulong ka sa nangangailangan. Ang mahalaga ay ang may simpatiya sa nararanasan niya. Muli, kahit maliit ay tumulong ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-19-20-21-25-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madaragdagan ang iyong kabang-yaman. Ang mga suwerte ay darating sa iyo nang halos sabay-sabay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-22-25-29-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatangay sa bisyo. Ang mga taong naalipin ng bisyo ay hindi lang maghihirap ang buhay, sila rin ay magkakaroon ng sakit at sa huli ay magsisisi. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-21-24-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipaglaban mo ang paniniwala mo. Humahanga ang langit sa may paninindigan at ipinaglalaban. Muli, ipaglaban mo ang paniniwala mo at ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-13-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiis sa sitwasyon na sobra kang agrabiyado. Lumiligaya ang tao kapag ang pinili niya ay ang pagiging malaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-21-24-31.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 29, 2 PM to 5 PM sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments