Magdyowa, todo-lambingan in public… Hirit ni Dra. Belo: Vice at Ion, inspirasyon ng lahat na maniwa
Beth Gelena / Bulgary Files

Ang daming inggit much sa mga larawang ibinahagi ni Vice Ganda kung saan sweet moments nila ni Ion Perez ang mga nakapaskil sa kanyang social media account.
Ang mga nasabing larawan ay kuha nang pumunta silang dalawa sa isang cozy beach.
Sa mga larawang ibinahagi ni Vice, nilagyan niya ito ng caption na ”When LOVE wins we win.”
Hindi na nga itinatago ng Unkabogable Phenomenal Star ang pagmamahalan nila ni Ion. And luckily, kita rin sa mga posted pictures na very proud si Ion for having Vice as his love partner. Animo sila mga ibong nakawala sa hawla. Napaka-intimate ng kanilang kuha habang magka-holding hands na sabay pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
May kuha rin silang nakasakay sa bangka kung saan nakasandal si Vice kay Ion. Hinahawi ni Ion ang buhok ni Vice na inililipad ng hangin at saka niya ito dadampian ng halik sa ulo.
Kilig to death ang mga fans nina Vice at Ion sa bawat photo shoot nilang may paglalambingan. Maging ang mga kaibigang celebrities ni Vice ay pinutakti siya ng komento sa kanyang IG account.
Nangunguna na si Bea Alonzo na nagsabing, “dreamy” at si Dra. Vicki Belo naman, ang sabi, “Awww. You two inspire everyone to believe in true love.”
Maging si KC ay nagkomento rin: “I can’t even deal w/ these pics. Love is EVERYWHERE not just the air.”
Ayon naman sa dati nilang kasamahan sa It’s Showtime na si Eruption, “It’s like a movie scene.”
Ani Bianca Gonzales, deserve raw ni Vice na lumigaya.
Well, ito na siguro ang kaganapan sa hula kay Vice ngayong 2020 na magpo-focus siya sa taong kanyang minamahal at magbu-bloom ang kanyang love life pero kapalit naman ang kanyang career.
Pagkatapos kasing maitaob ni Aga Muhlach ang kanyang MMFF entry nu’ng 2019, kasunod naman ang pagkatsugi ng kanyang TV show na Gandang Gabi Vice na papalitan ng ibang programa na siya pa rin naman ang host.
Kunsabagay, sa dami na rin naman ng naipon ni Vice at nailagay na rin niya sa magandang estado ng buhay ang kanyang sariling pamilya, siguro nga, time naman na para asikasuhin niya ang sariling kaligayahan.





Comments