top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung dati, may kondisyon pa, ngayong 33 na, atat na atat na… Carla, payag na kahit wala pa munang ba

  • Nitz Miralles
  • Feb 10, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @akosimangtomas

Mukhang nabago ang plano nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na uunahin muna nila ang magpatayo ng bahay bago magpakasal. Kung papipiliin ngayon sa bahay o kasal, kasal ang pipiliin ni Carla.

“Kasal muna kasi medyo the time is up. Kung dati, lagi kong sinasabi na bahay muna ang uunahin namin ni Tom para ma-secure at may uuwian kaming bahay after the wedding, ngayon na I’m already in my 30’s, I’m already 33, sabi ko, ‘Shocks, medyo the clock is ticking.’”

Pero meron naman na raw silang nabiling lote na pagtatayuan ng kanilang dream house.

Sa sinabing ito ni Carla, parang malapit nang mag-propose si Tom at susunod na ang kanilang kasal. Hindi lang ang pamilya ng dalawa ang matutuwa, pati mga fans nila dahil matutupad na ang dream nila sa TomCar.

Samantala, nalulungkot ang TomCar fans dahil parang this week na ang last week ni Tom sa teleseryeng Love of My Life dahil mama­matay ang kanyang karak­ter. Sayang at sandali lang ang karakter niyang si Ste­fano at ang wish na lang ng mga fans, masundan ang teleserye nila ni Carla na hindi mamamatay ang karakter ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page