Horoscope | Pebrero 9, 2020 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Feb 9, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2020 (Linggo): Hindi masamang tumulong sa kapwa para sila ay yumaman, pero ang mas magandang unahin mo ay ang iyong sarili bago ang iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong gaanong pahirapan ang iyong kalooban. Layuan mo ang sinumang may ayaw sa iyo dahil habang siya ay nasa buhay mo, mahihirapan ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-15-26-18-33-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ang umaga, may dilim muna. Ipinaaalala sa iyo na ang liwanag ng buhay mo ay darating na rin kaya huwag kang mainip dahil ito ay tinitiyak ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-20-21-24-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal na parang walang pag-usad ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahan mo, pero huwag kang mabahala. Simple lang ang ibig sabihin, kumukuha ng buwelo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang lungkot ang madarama mo dahil wala namang sapat na basehan ang lungkot. Ang payo ay nagsasabing dumikit ka sa mga taong positibo at palakuwento. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-22-25-36-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa mga taong sa kasalukuyan ay iyong lihim na kinaiinisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-25-27-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Balikan mo ang iyong nakaraan kung kailan tinalo mo ang mabibigat na pagsubok sa buhay. Ngayon at sa darating pang mga araw, ang mga pagsubok ay muli mong tatalunin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-20-28-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mananamlay ka sa simula, pero panandalian lang ito dahil ang darapo sa iyong magandang kapalaran ay labis na ikagagalak ng iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-20-21-28-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabuhay ka nang simple habang tinatahak mo ang landas ng buhay mo na ang dulo ay ang iyong pagyaman. Muli, mabuhay ka nang simple. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-25-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mapagpilit sa araw na ito. Ang mga kagustuhan mo ay kusang mapasasaiyo, pero kapag nagpumilit ka, maaantala at matatagalan ang pag-angkin mo rito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-27-33-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madodoble ang suwerte na nasa iyo na kaya hindi ipinapayo na dahil masaya ka ay babawasan mo kung ano ang hawak mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-25-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kalma ka lang kahit ang mga nangyayari sa harapan mo ay nakakainit ng ulo. Sa pagiging kalmado, ang mga suwerte sa paligid at nasa ibang tao ay malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-22-25-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tularan ang mga palaban. Dito sa mundo, ang tunay na basehan kung sino ang nagtatagumpay ay ang may maunlad na buhay at hindi ang marami ang tinalo sa pakikipag-away. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-26-28-30-37-38.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments