top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

takot tumandang dalaga, magkaka-bf pa rin kahit 32-anyos na

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 8, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan 1. Nagka-boyfriend na ako noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo, kaya lang, hindi nagtagal ang relasyon namin at mula noon ay hindi na ulit ako nagka-boyfriend. Gusto ko sanang malaman kung kailan ako muling magkaka-boyfriend at kung halimbawang magka-boyfriend na ako ngayong taong ito ng 2020, siya na kaya ang mapapangasawa ko?

2. Sa edad kong 32 na sa April 25, parang gusto ko nang mag-asawa, ang kaso, paano naman ako makapag-aasawa kung wala akong boyfriend? Dahil dito, labis akong nababahala na baka hindi na ako magka-boyfriend kahit kailan. Kasagutan 1. Hindi ka dapat mabahala o mag-alala na tumandang dalaga o hindi na magka-boyfriend kahit kailan dahil ganu’n talaga ang buhay, kung minsan ay sadyang medyo huli na kung dumating ang love life o makulay na buhay-pag-ibig sa tulad mo, pero kapansin-pansin pa rin ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ibig sabihin, ang guhit ng iyong palad ang nagsasabi at nagbabalita na magalak ka at magsaya, hindi lamang dahil malapit na ang birthday mo kundi tunay ngang magalak ka at magsaya sapagkat kahit abutin ka pa ng edad na 32 o 34, ‘wag kang mag-alala dahil walang duda sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka na sa ikalawang pagkakataon hanggang sa tuluyan nang makapag-aasawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

3. Ang pagkakaroon ng boyfriend ay tinatayang mangyayari, humigit-kumulang ngayong 2020 bago ka mag-32. Ang pag-aanalisang magiging significant year mo ang taong ito ay madali namang kinumpirma ng destiny number mong 1 (4+25+1988=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1) kung saan ang numero 1 ay mapalad ngayong taon dahil ang sumatutal ng taong 2020 ay 4 (20+20=40/ 4+0=4) na sadyang suwerte para sa mga taong may destiny number na 1 na tulad mo. Tiyak na magaganap, sa panahong ito sa edad mong 31 bago mag-32, magkaka-boyfriend ka na at maaari ring sa edad na 33 sa taong 2021 ay tuluyan ka na ring makapag-aasawa.

DAPAT GAWIN Ayon sa iyong mga datos, Sophia, tiyak ang magaganap, ngayong 2020 bago sumapit ang iyong kaarawan, sa buwan din ng Marso o Abril, matutupad na ang malaon mo nang hiling at ang pinapangarap sa buhay – magkaka-boyfriend ka na na isinilang sa zodiac sign na Virgo hanggang sa sumapit ang taong 2021 sa edad mong 33, ang lalaking ito ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple, pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page