Horoscope | Pebrero 8, 2020 (Sabado)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2020 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na malayo ang mararating mo sa buhay. Ibig sabihin, ikaw ay magtatagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikinabang ka nang malaki kung ang kasalukuyang negosyo mo ay isasaayos mo at bibigyan ng bagong mukha na mula sa mga magagandang ideya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-13-28-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng magagandang pormula ng tagumpay. Hindi masama ang manghiram ng mga ideya na isasabuhay. Ang masama ay ang manghiram tapos kalilimutan na lang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-14-17-21-24-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na ang pagbabago ng isipan ay magreresulta sa pag-atras ng magagandang kapalaran na nagdaratingan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-27-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang malalapit sa buhay mo. Mas kilala ka niya kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Ito ang katotohanan sa buhay mo at ito rin ay payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-26-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang nasa itaas, pero kaya lang naman sila bumabagsak ay dahil hindi nakasayad ang kanilang mga paa sa lupa. Huwag mo silang tutularan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-21-26-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Imbakan ka ng magagandang ideya, gayundin, hindi ka mauubusan ng mga pananaw na magpapaunlad sa iyong buhay. Isabuhay mo ang kahit isa lang sa mga ito nang ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-28-31-32-36-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na makialam sa buhay mo ang ibang tao. Sino ba sila? Hindi ka naman nila totoong kilala. Ikaw lang at wala nang iba pa ang tunay na nakakikilala sa sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-22-25-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka sa harap ng palapintas, gayundin, manahimik ka kapag ikaw ay sinisiraan. Kapag sinunod mo ang kambal na payong ito, sila ang mapipintasan at masisira sa mata ng mga tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-25-29-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakagugulat ang magiging takbo ng iyong buhay dahil habang sinasalungat ka ng marami, lalong umuunlad ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-16-17-25-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madarama mo na mahina ka na parang walang lakas na matupad ang iyong pangarap. Ito ay isang pandaraya sa sarili mo, gayundin, ito ay mali at hindi totoo ang madarama mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-21-24-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilipas ang lahat sa ibabaw ng mundo, kaya lilipas din ang kalungkutan mo. Tumindig ka at harapin mo ang kaligayahang papalit sa iyong kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-28-32-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Sino naman ang mamalasin, sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon at sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-29-30-31-45.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments