Galing daw sa kampo ni Sharon… KC, tinawag na plastic, tabatsoy at mukhang bakla ng netizen
Beth Gelena / Bulgary Files

Tulad nina John Lloyd Cruz, Julia Montes at Melissa Ricks, magbabalik-showbiz na rin si KC Concepcion at kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata sa Cornerstone Entertainment.
Sa Instagram story ng actress-host-businesswoman, pinasalamatan niya ang whole Cornerstone team sa mainit na pagtanggap sa kanya at tinanong din niya ang kanyang mga followers kung ano’ng mga projects ang gusto ng mga ito na mapanood sa kanya.
Samantala, sa isa pang post ni KC kung saan may “The KC Diaries” siyang nabanggit na may kasamang close-up photo niya, sey ng basher na may username na @iloveit_ihateit: “Plastic.. Tabatsoy.. mukhang BAKLA si ate girl.”
Ayon sa iba, ang mga may hate umano kay KC ay mga fans ng kanyang inang si Shawie.
Pagtatanggol naman ng isang netizen kay KC, “Atrebida si basher. Hey people, be kind to one another, please. The world is already bad enough so don’t contribute more for being so negative.”
Hindi pinalampas ni KC ang pamba-bash nito. Aniya, “Ok. Thank you. 5 seconds pa lang ‘yan, ah. Dami mo nang energy magtrabaho sa pamba-bash.”
Dapat ihanda na ni KC ang sarili ngayong muli siyang magbabalik-showbiz dahil kung may mga fans siya, buhay na buhay din ang mga bashers niya.






Comments