top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Digong, pa'no ba 'yan? Ibinuking ni Sen. Grace: Maraming Senador, kampi sa ABS-CBN!

  • Vinia Vivar
  • Feb 7, 2020
  • 1 min read

Nagpahayag ng suporta si Sen. Grace Poe sa fran­chise renewal ng ABS-CBN. In fact, marami raw si­la sa Senado na pabor na bigyan ulit ng prang­­kisa ang naturang network.

“Well, ako, makakapagsalita la­mang para sa Senado,” simula ni Sen. Grace nang makatsikahan ng entertainment press na dumalo sa birthday surprise para sa kapatid niyang si Lovi Poe.

“Marami akong mga nakausap na ka­sama natin doon. Suportado naman nila ang pagri-renew nito. Pero si­yempre, kikilatisin ding mabuti ang magiging kasunduan sa franchise.”

Pero idiniin ng senadora na ka­ilangang gumalaw muna sa Kong­reso ang kaso bago nila aprubahan sa Senado.

“Ang Senado, kahit na i-approve namin ‘yan, ‘pag ito ay hindi gumagalaw sa Kongreso, wala ring mangyayari,” aniya.

Ayon pa kay Sen. Grace ay ma­rami talagang nabibigyan ng tra­baho ang ABS-CBN, that’s why, pabor sila na ma-renew ito.

“Para sa akin, maraming na­bi­bigyan ng trabaho, napatunayan din naman na nakakapagserbis­yo sila. Walang perpekto, may mga pag­­kakamali, kaya lahat ‘yan ay da­pat tinitimbang at mabigyan ng pagkakataon na iprisinta nila ang kanilang mga magiging plano kung mabibigyan sila ng prangkisa ng 25 taon pa,” pa­ha­yag pa ni Sen. Grace.

She also revealed na maging ang GMA-7 ay suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“Alam mo, ‘yung mga kapatid natin, kaibigan natin sa GMA, nakakausap ko. Sila ay supportive rin. Kasi sa industriya, ayaw mo naman na wala kang pagkakataon, ‘di ba?” sambit pa ng anak ni Susan Roces.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page