top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Natigil sa pag-aaral, aasenso pa rin kapag nagnegosyo ng pagkain

Maestro Honorio Ong
Feb 7, 2020
2 min read

Dear Maestro, Huminto ako sa pag-aaral dahil wala nang pangsuporta sa akin ang tita ko na dating may magandang kinikita sa negosyo nilang buy-and-sell. Pinaaaral niya ako, kaso humina ang negosyo nila, kaya sinabi niya na huminto muna ako dahil hindi na niya ako kayang pag-aralin. Naghahanap ako ng trabaho para makapag-working student. Itatanong ko sana kung makapagtatrabaho kaya ako habang nag-aaral at kung oo, makatatapos din kaya ako ng kolehiyo? HRM ang kurso ko. January 17, 1998 ang birthday ko.

Umaasa, Ryan ng Tungkong Mangga, SJDM City, Bulacan

Dear Ryan, Ang birth date mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) sa destiny number na 9 (1+17 +1998=2016/ 20+16=36/ 3+6=9) sa zodiac sign na Capricorn ay nagsasabing sadyang ipinanganak ka na maraming tiisin at pagsubok sa buhay.

Kumbaga, dahil naiimpluwensiyahan ka ng numerong otso (8), tila sa umpisa pa lang ng iyong buhay ay nilagyan ka na ng kapalaran ng maraming pagsubok, lalo na at nagkataon pang bukod sa 8 ang birth date mo, ikaw din ay isinilang sa zodiac sign na Capricorn na may ruling planet na Saturn kung saan ang numero ng Saturn ay otso rin.

Subalit, ang ikinaganda ng mga numerong ito ay kung sakaling mapagtiisan mo ang mga pagsubok at sagwil ng buhay, sa edad mong 43 pataas, nakatapos ka man ng pag-aaral o hindi, kusang uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman.

Habang, ayon sa iyong Career Calendar, ngayong 2020, makatatagpo ka ng magandang trabaho, pero hindi ka pa makapagwo-working student sa nasabing panahon, bagkus, sa 2021 ka pa makapag-e-enroll muli sa iyong kurso hanggang sa tuluy-tuloy ka nang makatapos ng pag-aaral.

Sa sandaling natapos mo na ang iyong kurso, sa nasabing larangan o negosyong may kaugnayan din sa pagkain at kalakal na may kaugnayan sa agrikultura at mga butil, doon ka masasadlak at sa kinasadlakan mong ito, sa tulong ng babaeng mapapangasawa mo na may zodiac sign na Cancer na may mga birth date na 5, 14 o 23, tuluy-tuloy na kayong aasenso hanggang sa yumaman na nakatakdang mangyari sa edad mong 43 sa taong 2041.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page