Horoscope | Pebrero 7, 2020 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 7, 2020 (Biyernes): Kahit may mga kahinaan ka, pinagaganda pa rin ng kapalaran mo ang buhay mo. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi masama kung magpapalit ka ng pasya. Ang kailangan lang naman ay ang pag-aralan mong mabuti ang lahat ng bagay nang hindi ka magsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-22-27-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatalo sa mga negatibong pananaw. Harapin mo ang bawat araw ng buhay ang ningas ng iyong pag-asa. Sa ganitong paraan, ang lahat ng bagay sa iyo ay tiyak na gaganda. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-13-25-30-32-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na palakas nang palakas ang iyong karisma. Gamitin mo ito para lalong gumanda ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-19-28-30-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Mapasasaiyo ang kaunlaran dahil may mga aalalay sa iyo hanggang sa maabot mo ang iyong malalaking pangarap. Tandaan mo, hindi nabubuhay ang tao nang siya ay nag-iisa lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-29-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang lumayo sa mga taong nakagawa sa iyo ng hindi maganda. Ikaw din minsan ay naging ganundin sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-26-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napapalapit sa iyo ang isang handang bigyan ka ng masarap na buhay. Hindi man ngayon ay sa ibang araw pa at ang kailangan lang ay ang magkapalagayang-loob muna kayo nang husto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-19-21-24.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Puwede mo nang simulan ang mga plano mo na magpapaganda ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-23-33-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoong may mga sagabal at hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Ang hindi totoo ay ang inaakala mong sila ay hindi mo malalampasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-28-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaliligiran ka ng mga tukso. Ang kailangan mong maunawaan ay ang katotohanang ang tukso ay nakasisira ng kapalaran at ang inspirasyon ay nagpapaganda ng buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-18-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang gawin mo. Hindi maganda kung uunahin mo ang pagpapaganda ng buhay ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-19-22-27-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahabulin ka ng nagsisisi dahil nagkamali siya sa iyo. Hayaan mo nang maghabol siya nang sa gayun ay makita niya ang tunay mong halaga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-20-34-36-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinay-hinay lang dahil makukuha mo rin ang pinakagusto mo sa buhay. Huwag kang magmadali at huwag mo ring pahirapan ang sarili mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-21-26-38-40-46.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments