top of page

Tipid na, romantic pa... Tips para maging sweet pa rin ang Valentine date kahit nasa bahay lang

  • Twincle Esquierdo
  • Feb 6, 2020
  • 2 min read

Siguradong may mga couples na may plano na ngayong Valentine’s Day, pero may ilan na ayaw lumabas o mamasyal kasama ang kanilang asawa o girlfriend, dahil ayaw gumastos nang malaki para makatipid.

Gayunman, may mga paraan pa rin para maipadama ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa kahit hindi gumastos o lumabas ng bahay. Kaya naman narito ang mga kakaibang paraan na siguradong magiging special para sa inyong mag-partner kahit nasa bahay lang:

1. GUMAWA NG BLANKET FORT. Mukha lang kayong nagbabahay-bahayan dahil puwede kayong manood ng romantic movies, mag-picnic o kung anu-ano pa para maging intimate at exclusive sa inyong dalawa ang araw na ito. Puwede n’yo rin itong lagyan ng mga led light o candle light para mas maging romantic.

2. MAG-SET NG DINNER TABLE. Mag-set-up kayo ng table sa loob ng inyong tahanan. Maglagy ng candles, wine, paborito ninyong pagkain at magpatugtog ng slow music upang mas maging romantic ang inyong pagde-date. Gayunman, magsuot ng pormal para mas dama n’yo na kayo ay nasa exclusive restaurant.

3. GAWIN ANG HILIG NG ISA’T ISA. Puwede n’yong gawin ang mga bagay na gusto ninyo dahil mas mae-enjoy ninyo itong gawin kapag magkasama kaya naman ilagay ito sa inyong listahan at siguradong magiging masaya kayo kapag ginawa n’yo ito nang magkasama. Gayundin, maganda itong paraan para maintindihan kung bakit nagustuhan ng bawat isa ang kanilang hilig.

4. MALIGO NANG SABAY. Gawing mas mainit ang inyong Valentine’s Day. Para sa mga mag-asawa, normal lang na gawin ito at makatutulong para mas maging mainit ang inyong gabi. Puwede ring maglagay ng mga rosas at kandila sa paligid ng inyong bath tub dahil makadaragdag ito ng sensual vibe at gumamit ng mga essential oil upang mas ma-relax.

5. GAWING CLUB ANG BAHAY. Puwede n’yo ring gawin ang mga gawain ninyo noong kayo ay teen-ager o partygoer pa sa pamamagitan ng sayawan, kantahan at pag-inom ng wine sa bahay. Gayundin, mag-set-up ng sound system, disco ball o karaoke na magpapaingay sa inyong bahay na siguradong makapagbabalik ng nakaraan n’yo simula sa pagiging magdyowa hanggang sa pagiging mag-asawa.

6. MAG-USAP NANG MASINSINAN. Ang Valentine’s Day ay isa ring pagkakataon para makapag-usap kayo nang masinsinan. Halimbawa nito, ang pagpaplano ng mga bagay na gusto n’yong gawin, mga gastusin na dapat paghandaan at kung anu-ano pa na makapagpapatibay ng inyong relasyon dahil napag-uusapan n’yo at nailalabas ang mga saloobin at opinyon ng isa’t isa.

Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para makapag-date o maiparamdam n’yo sa isa’t isa ang inyong pagmamahalan dahil puwede n’yo naman itong gawin sa inyong tahanan.

‘Ika nga, dates are not always about fancy dinners and roses dahil puwede rin itong maging simple at maging daan para pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ninyo bilang mag-partner. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page