top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Ngayong break na kay Nadine… James, inamin ng beauty queen na graduate ng UP Diliman

  • Janice DS Navida
  • Feb 6, 2020
  • 2 min read

Speaking of James Reid, inamin ng tinanghal na Miss Mandaluyong 2016 na si Veronica Michaela Meneses na malakas ang dating sa kanya ng ex-BF na ngayon ni Nadine Lustre at ito ang showbiz crush niya.

Nakausap namin ang UP Diliman graduate ng Clothing Technology na si Veronica one day pagkatapos siyang manalong Miss Mandaluyong last Saturday night. Tuwang-tuwa ang anak ng dating basketbolistang si Vergel Meneses dahil first time lang daw niyang nag-try sumali sa beauty pageant, aba’t winner agad siya.

When asked kung may balak din siyang sumali sa Bb. Pilipinas ngayong may Miss Mandaluyong title na siya, yes ang sagot ni Rona (pet name ni Veronica), pero sa ngayon daw, gagawin muna niya ang responsibilidad niya sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Menchie Abalos at saka na raw niya haharapin ang pagsali sa Bb. Pilipinas at kung may dumating mang offer sa kanya sa showbiz.

Sabi ni Rona, hindi pa niya nami-meet ang crush niyang si James Reid pero kung may chance ay gusto siyempre niyang ma-meet ito personally.

Naku, dahil beauty and brains itong si Rona, hindi malayong mapansin siya ni James if ever. If ever daw, Nadine, oh!

Samantala, bukod sa Miss Mandaluyong 2020 beauty pageant, may Bilbiling Mandaluyong pageant din ang City of Mandaluyong kung saan mga chubby but pretty ladies naman ang naglaban-laban at ang tinanghal na winner ay ang ka-look-alike ni Ria Atayde na si Rocy Grace Cajandab, na ang advocacy ay magbigay-inspirasyon sa mga tulad niyang matataba na nadi-depress dahil iniiwan ng asawa, nadi-discriminate, nabu-bully, etc., etc..

Pero bukod kina Veronica at Rocy, may tig-4 ding runners-up ang Miss Mandaluyong at Bilbiling Mandaluyong 2020 na nag-uwi rin ng cash prizes kaya bongga talaga!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page