top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lalo ngayong malapit na ang Valentine‘s Day... Safety tips sa mga makikipag-date sa nakilala lang sa

Justine Daguno
Feb 6, 2020
2 min read

It’s a match!

Sa panahon ngayon na sobrang convenient ng modernong teknolohiya, halos lahat ng bagay ay puwede nating makuha nang instant at isa sa mga bagay na patuloy na tinatangkilik ng mga internet user ay ang online dating.

Ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso, for sure, marami ang atat nang magkaroon ng karelasyon kung saan gamit ang mobile apps tulad Tinder, Bumble.com at Hinge, mas madali at mabilis nang makahanap ng “match”.

Pero dahil nagagamit na rin ang mga ito sa modus ng mga masasamang-loob o sadyang may topak lang, narito ang ilan sa mga bagay na dapat ninyong tandaan para masigurong safe ang inyong dating meet-up:

1. MAG-VIDEO CHAT BAGO MAKIPAGKITA. Sobrang daming paraan para makapag-video chat. Nariyan ang Face Time, Google Hangouts, Skype at kahit ang Facebook Messenger ay meron ding video calls. Oks ito nang sa gayun, bago ka makipagkita ay pamilyar o kilala mo na kahit sa hitsura man lang ang kikitain mo at sure ka na siya mismo ang nasa profile nito.

2. IPAG-DRIVE ANG SARILI O MAG-COMMUTE. Kung meron kang sasakyan, makabubuti kung mag-drive ka, pero kung wala naman, mag-commute ka na lang papunta sa meeting place. Huwag basta tumanggap ng invitation para sa carpool dahil posible itong magamit para makapangidnap o getaway vehicle sa masamang gawain.

3. MAKIPAGKITA SA PUBLIC PLACE. Para sa first o second date, iwasan muna ang mga intimate o ‘something private’ na lugar. Makipag-meet sa restoran, café, amusement park at iba pang lugar na maraming tao. Kung maka-feel ka man ng hindi maganda o masamang kutob sa mai-de-date mo, madali kang makahihingi ng tulong sa iba.

4. SABIHAN ANG PAMILYA O KAIBIGAN TUNGKOL SA MEET-UP. Kahit nasa tamang edad ka na, huwag kang mahiyang magpaalam sa pamilya o kaibigan mo kapag may pupuntahan ka. Kailangang may tao na pinagkakatiwalaan mo ang makaaalam kung saan at kailan ka pupunta para ‘pag hindi ka nakauwi agad, alam nila kung saan ka pupuntahan at hahanapin. Buksan mo rin ang location sa phone mo para madali ka nilang ma-track kung may hindi magandang mangyari.

5. ‘WAG IBIGAY ANG LAHAT NG PERSONAL INFO. Huwag mo agad ibigay ang home at office address mo. Oks kung pangalan, birth date at phone numbers lang muna dahil hindi pa naman kayo lubusang nagkakakilala. Imbes na personal information, ang mga habit o interest ng isa’t isa na lang ang pag-usapan ninyo.

Sa totoo lang, wala namang problema sa paggamit ng online dating apps dahil ‘ika nga, kung hindi ka kikilos, ‘nganga’. Pero tandaan na huwag basta magtitiwala, lalo na sa mga tao na nakilala lang natin sa virtual world. ‘Ika nga, mas mabuti nang paranoid at nag-iingat kesa magsisi sa huli. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page