Horoscope | Pebrero 6, 2020 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2020 (Huwebes): Negosyo ang para sa iyo, ito ang tunay na dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa pamamasukan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang magbibigay sa iyo ng suwerte, bilisan mo ang pagpapasya mo, bilisan mo rin ang pagkilos mo. Muli, bilis ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-20-24-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, ipinaaalala sa iyo na ang pag-aalinlangan ay ang pinakamahigpit na kalaban. Talunin mo muna bago ka mag-isip ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-26-29-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang nag-aabang sa iyo, kaya hindi puwede na huminto ka. Magpalakas ka at muli mong tahakin ang landas ng buhay mo papunta sa iyong ganap na pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-22-26-34-37.
CANCER (June 21-July 22) - Dagdag na aral pa ang iyong kailangan sa negosyo na gusto mong simulan. Huwag kang tumulad sa iba na akala ay lakas lang ng loob ay sapat na para umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-16-22-24-43-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalabas ang usbong sa nakabaong buto ng halaman. Ikaw, kaya mo ring lumabas mula sa kawalang pagkilos at ipakita ang iyong magagandang kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-25-28-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit minamaliit mo ang iyong sarili? Hindi totoong mahina ka. Ang totoo, kapag kumilos ka nang kumilos ayon sa tutukuyin mong ambisyon, tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang gustong gawin kang bahagi ng kanilang buhay. Marami ang naghahangad na maging inspirasyon ka nila para sa kanilang mga pangarap. Lahat sila ay puwede mong pakinabangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-19-21-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka ng puhunan kapag napansin mong maganda ang kita ng iyong hanapbuhay. Mali ang akala ng iba na nadaragdagan ang puhunan kapag nakararanas ng pagkalugi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-14-16-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat mong maunawaan na hindi lahat ng tukso ay para sa pakikipagrelasyon. Tukso rin ang paglipat sa ibang pinapasukan na akala ay mas maganda sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-24-27-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang unang pasya mo. Ang pagpapalit ng isip ay hindi makabubuti para sa iyo. Kaya ang unang maisip, ‘yun na at huwag mo nang babaguhin pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-25-27-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo papansinin ang mga kinaiinisan mo? Alam mo, ang inis ay talo kaya mas magandang sila ay layuan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-25-28-36-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpalit ka ng mga pananaw sa buhay. Magandang aktibidad ito kaysa sa simpleng pakikinig sa mga kuwento ng mga nangangarap na ayaw namang magsikilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-19-27-28-30.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments