top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Fans, nabulabog… Hubad na piktyur ni Alden, inilantad sa IG

Nitz Miralles
Feb 6, 2020
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Kaya pala happy at excited si Alden

Ri­chards sa endorsement nila ni Bea Alonzo dahil idol nito ang aktres at lahat ng pe­likula nito ay kanyang pinanood. Isa pang rason kung bakit masaya si Alden sa endorsement nila ni Bea ay dahil ang pi­na­litan niyang male endorser ng product ay si John Lloyd Cruz na idol din niya.

Imagine nga naman, siya ang pumalit kay John Lloyd. Malay natin at dumating ang araw na magkasama-sama sila sa pelikula.

Curious lang kami, ipinaalam kaya ni Alden kay John Lloyd na siya na ang en­dorser ng dati nitong endorsement?

Speaking of Alden, mediacon today ng Centerstage, ang singing competition for the kids na kanyang iho-host kasama si Betong Sumaya.

First time makakatrabaho ni Alden sina Pops Fernandez at Mel Villena na nag­pahayag na na-star struck siya nang unang makita ang Pambansang Bae.

Si Aicelle Santos na isa pa sa mga jud­ges ay kasama rin ni Alden sa All-Out Sundays.

Maitanong nga rin kay Alden kung ‘di ba siya natakot ma-bash sa kissing scene nila ni Sophie Albert sa The Gift. Alam nitong marami siyang selosang fans na laging binabantayan ang mga kilos at mga sinasabi niya.

Matatanong din si Alden sa pagpo-post ng photo niyang nakahubad sa Instagram (IG) na hindi lang mga fans niya ang nag-react, kundi pati friends niya sa showbiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page