top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Susuwertehin na abroad bilang DH, matatagpuan pa ang forever ngayong 2020

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 5, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Napansin kong may magandang Travel Line sa aking mga palad kaya naisipan kong mag-apply abroad bilang DH. Hindi ko lang matiyak kung matatawagan ako at susuwertehing makaalis. Gusto ko sanang malaman kung may magandang kapalaran kaya ako abroad?

  2. Ang pangalawa ko namang tanong ay hinggil sa personal life ko dahil sa edad kong 32 ay wala pa rin akong boyfriend nang seryoso at pangmatagalan. May boyfriend ako at magdadalawang taon na ang relasyon namin, kaya lang, bihira kaming magkita dahil sa internet ko lang siya nakilala.

  3. Matutupad kaya ang mga plano ko sa buhay na makapag-abroad at magkaroon ng totohanang boyfriend, makapag-asawa at magkaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya?

Kasagutan

  1. Sadyang may malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, malaki ang pag-asa na makapag-abroad ka at sa nasabing pangingibang-bansa, unti-unti nang gaganda ang buhay mo sa aspetong pampinansiyal hanggang sa makaipon ka at tuluy-tuloy nang uunlad ang iyong career at kabuhayan.

  2. Ang pag-aanalisang may positibong resultang magaganap sa iyong pag-a-apply abroad ay madaling kinumpirma ng lagda mong tuluy-tuloy na gumuhit patungo sa direksiyong pakanan na tila lumilipad sa kalawakan. Ibig sabihin, ngayon pa lang, nasasagap na ng unconscious mong isipan ang tinatayang mangyayari sa hinaharap — may mabunga at produktibong pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

  3. Hinggil naman sa iyong love life, nakatutuwang makitang iisa ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sinumang lalaki ang una mong magiging seryoso at totohanang boyfriend, sa bandang huli ay siya rin ang nakatakda mong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

  4. Ang pag-aanalisang magiging successful at maligaya ang inyong relasyon ng magiging first boyfriend mo nang totohanan ay madali namang kinumpirma ng walang bilog, hindi nalatid at tuluy-tuloy ding gumuhit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) na tuluyan ding sumampa sa Mount of Jupiter (arrow d.) na tinatawag din nating Bundok ng Kaligayahan (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, hindi ka lang sa pag-a-abroad susuwertehin, bagkus, makalipas ang nasabing pangingibang-bansa, susuwertehin ka rin sa larangan ng pag-ibig at pagpapamilya.

Mga Dapat Gawin

  1. Ayon sa iyong mga datos, Dianne, tiyak ang magaganap, ngayong 2020, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

  2. Pagkalipas ng isa o dalawang taon sa edad mong 33 pataas, magkakaroon ka na ng boyfriend na makikilala mo sa ibang bansa kaya ang seryoso at totohanang pakikipag-boyfriend na ito, hindi magtatagal at hahantong na rin sa maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page