top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kalinisan ng mga Pinoy, level up dahil sa nCoV!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2020
  • 1 min read

Kasabay ng outbreak ng bagong coronavirus sa buong mundo, iba’t ibang hakbang naman ang ipinatutupad ng publiko at ng mga establisimyento para matiyak na ligtas ang publiko.

Bukod sa health advisory posters tungkol sa 2019 novel coronavirus - acute respiratory disease (2019 nCoV ARD), may mga hand sanitizer na rin sa mga pampubliko at pribadong lugar.

May mall na nag-install ng handrail ultraviolet (UV) sterilizer sa kanilang escalator. Ito ay tumutulong sa pag-sterilize at decontaminate sa handrails bilang precautionary measure kontra sa mga sakit tulad ng nCoV.

Kapansin-pansin din na mas dumami ang nagsusuot ng face mask at may baon ding alcohol.

At maging sa mga eskuwelahan, talagang pinaaalalahanan ang mga bata na panatilihin ang kalinisan para makaiwas hindi lang sa nCoV kundi maging sa iba pang sakit.

Marami na rin ang biglang nagkaroon ng pakialam sa kanilang kalusugan — mabenta raw ngayon ang masusustansiyang pagkain at pati mga vitamin ay mabili rin.

Kumbaga, sa halip na mag-panic o manisi sa pagpasok ng nCoV sa bansa, kumilos na lang tayo para mapigilan ang paglala nito.

Kung bawat isa ay magiging responsable sa sarili at sa pamilya, malaking tulong ito para matapos na ang pagkalat ng anumang virus.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page