top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Pebrero 5, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 5, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 5, 2020 (Miyerkules): Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ituloy mo ang pagsisikap mo na maabot ang malala­king pangarap mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami ang naghahangad na mabigo ka. Hindi sila magtatagumpay dahil sa taglay mong deter­mi­nasyon na makamit mo ang iyong mga ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging mata­tag ka sa harap ng mga pagsu­bok at sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Hindi ka dapat matinag at ang pag-aalinlangan sa sarili ay iyong iwasan. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-25-27-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan may saya, roon ka. Lahat ng tao ay ayaw ng lungkot kaya ba­kit magdadalawang-isip ka na iwasan ang magbibi­gay sa iyo ng kalungkutan? Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-41.

CANCER (June 21-July 22) - Minsan, mas masarap pa ang nag-iisa kaysa may kasama, pero masakit naman sa ulo. Kailangan mo ang katahimikan at paya­pang kapaligiran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-10-14-16-27-31-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­magitan ka sa dalawang hin­di magkauna­waan. Hindi mahalaga kung sila ay magkakaintindihan da­hil ang mahalaga ay si­lang dalawa ay tiyak na su­sunod sa iyong kagustuhan. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-18-20-25-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi kaila­ngang masa­got ang lahat ng tanong mo sa buhay. Ang kailangan ay mapaunlad mo ang iyong kabuhayan nang hindi minamaliit ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-25-26-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasalungatin ka ng malala­pit sa iyo dahil aakalain nila na nagkaka­mali ka. Sa huli, matutuk­la­san nilang ikaw pala ay tama kaya lihim pa silang hahanga sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-25-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magkakatotoo sa buhay na ang tuluy-tuloy na pagsisikap ay nagbubunga ng maunlad na buhay. Ma­hirap tularan ang ganu’ng sikreto ng tagumpay na iyong isinasabuhay ngayon. Ma­su­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-20-23-32-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa anumang pakikipagde­bate. Hindi dahil ikaw ang matatalo kundi dahil masasa­yang lang ang mahahala­gang oras mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-17-21-29-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inuunawa ang mahina, kaya unawain mo ang mahina, lalo na ang mahina ang ulo. Mahirap itong gawin, pero maganda pa rin na iyong sundin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-22-25-28-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kusang aalis sa buhay mo ang mga mapagsamantala, pero mag-ingat ka dahil may mga da­rating na magkukubli ng ma­gagandang bagay na ipaki­kita sa iyo. Mag-ingat ka rin sa kanila. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-41-44-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasakit lang ang ulo mo kapag ipinilit mo ang gusto mo. Mabuting maghin­tay ka ng tamang pagkaka­taon kung kailan walang kon­trabida na makaaabala. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-21-24-34-40.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page