Nakasakay sa bus, sign na kailangang lumayo para maiwasan ang depression
- Socrates Magnus
- Feb 4, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Armand ng Armand_Baric@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nakasakay ako sa bus?
Naghihintay, Armand
Sa iyo Armand, Nagpapayo ang mga panaginip at ang payo ng mga panaginip ay kailangang sundin ng nanaginip.
Tulad mo, ikaw ay pinapayuhan ng iyong panaginip na pansamantalang lumayo sa inyo. Ito ang kahulugan ng panaginip mong nakasakay ka sa bus.
Kadalasan, ang ganitong panaginip ay napapanaginipan ng mga problemado ang buhay na sanhi ng mga kasama sa bahay. Minsan, ito rin ay napapanaginipan ng mga taong kailangan ang panandaliang pagsasaya.
May mga pagkakataon na ang ganitong panaginip ay may pahabol na kahulugan na sa pansamantalang paglayo, matatagpuan niya ang taong magbibigay ng ligaya sa kanya.
Minsan, sa bus niya makikita ang kanyang soulmate. Minsan naman, makikilala niya ang kanyang future husband o wife sa terminal ng bus. Pero mas madalas ay makakatabi niya ang kanyang twin heart.
Kaya huwag ka nang magdalawang-isip na umalis muna sa inyo o pumunta sa may kalayuan kung saan kailangan mong sumakay sa bus.
Nagbababala ang iyong panaginip na kapag hindi mo nagawang sumakay o umalis muna sa inyo, ang kalungkutan mo ay mauuwi sa depression kung kailan maaaring masira ang diskarte mo sa buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments