top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktor, mas aayos daw ang buhay 'pag binalikan si Angelica… John Lloyd, 'under' kay Ellen

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 4, 2020
  • 1 min read

Ayon sa mga resident psychics ng pahaya­gang BULGAR na sina Señor Socrates Mag­nus at Maestro Honorio Ong nang sumalang sila sa nakaraang episode ng #CelebrityBTS, ang online show ng aming pahayagan na napapanood nang live sa Facebook page ng BULGAR tuwing Sa­ba­do, 11 AM to 12 NN, mas malakas daw ang influence ng animal sign ni Ellen Adarna na dragon kumpara kay John Lloyd Cruz na isang pig, kaya hindi match ang kanilang personalidad.

Gustuhin man ni Lloydie na sila pa rin ni Ellen ang magkatuluyan, hindi ‘yun ang itinadhana ng kapalaran. They are not meant for each other kahit na may anak pa sila. At hindi rin magkakabalikan dahil hindi pa handa si Ellen na magpatali kay JLC at maging full-time wife and mother.

Ang da best daw at swak na swak na maka-tandem ni JLC sa kanyang buhay ay si Angelica Panganiban. Kung saka-sakali na magkakaroon ng part two ang kanilang relas­yon, magiging maayos ang takbo ng buhay ni JLC.

‘Yun nga lang, ang isang katulad daw ng aktor ay ka­dalasan na hindi mapigilan ang magmahal ng dalawa nang sabay. ‘Yun ang masa­sa­bing setback ni JLC kaya mailap ang kaligayahan sa kanya at patu­loy siya sa pag­hahanap ng babaeng maka­kasundo at perfect na life partner.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page