Nanaginip ng mga bituin, senyales na naiinip na magkakaroon ng magandang buhay
- Socrates Magnus
- Feb 3, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Maribel ng Maribel_Tabuzo@face-book.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip tungkol sa mga bituin? Nanaginip ako na may reyna at hari na anyong bituin, nagkikislapan at dilaw ang mga korona nila.
Gayundin, may rosaryo naman na mga bituin at nagkikislapan din sa puti. Tapos, nanaginip din ako ng parang mapa na mga bituin at nagkikislapan din. Sana ay masagot n’yo kung ano ang kahulugan ng mga ito? God bless and thank you in advance!
Naghihintay, Maribel
Sa iyo Maribel, Ang mensahe ng iyong panaginip ay nagsasabing huwag kang mawalan ng pag-asa dahil pagkakalooban ka ng langit ng nagkikislapang magagandang kapalaran.
Ang isa pang mensahe ay huwag ka ring magsasawa na manalangin gamit ang iyong banal na rosaryo na ang pahabol na kahulugan ay panatilihin mo ang kalinisan ng iyong pagkatao.
Ang mapa ng mga bituin ay tumutukoy sa ituturo sa iyo ng langit kung saan ka susuwertehin.
Ang ganitong mga panaginip ay napananaginipan ng mga taong naiinip dahil sa matagal na paghihintay sa pagkakaroon ng magandang buhay.
Mapalad ka dahil hindi lahat ng naghihintay ay may hinihintay. Ang katotohanang ito ay nagsasabing hindi lahat ng nagsisikap ay umaasenso.
Kumbaga, kahig sila nang kahig, pero wala namang makahig. Ito ay nasa kasabihang “isang kahig, isang tuka”.
Kaya maraming tao ang nangangarap, pero hanggang pangarap lang dahil ang kanilang pinapangarap ay wala rin naman.
Pero ikaw ay ginagarantiyahan ng langit na ang iyong paghihintay ay hindi mauuwi sa wala dahil magbubunga ng maganda ang iyong matagal na
paghihintay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments