top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Manager nila ng madir… KC, ayaw makasama si Sharon, Viva nilayasan

Erlinda Rapadas
Feb 3, 2020
1 min read

Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit daw nilayasan na ni KC Concepcion ang Viva ganu’ng dito siya nanggaling noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz.

Ang Viva ang nag-alaga at nag-manage kay KC upang makahanap ng magagandang projects at product endorsements.

May tampo ba si KC sa Viva na siya ring mother network (studio) ng kanyang Mommy Sharon Cuneta? O mas ginusto lang ni KC na magpaalaga sa Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo?

Hindi naman siguro umiiwas si KC na magkasama sila ng kanyang Mommy Sharon. Gusto siguro niyang ma-experience naman ang pangangalaga ng iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page