top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Du'n daw talaga magiging maligaya… Wish ni KC: Tapat at 'di mapagsamantalang BF

  • Beth Gelena
  • Feb 3, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @itskcconcepcion

Mukhang may kahulugan ang sagot ng Mega daughter na si KC Concepcion sa question and answer portion sa kanyang Instagram Stories.

May netizen kasi na nagtanong sa kanya ng: “You have already everything.

What is real happiness for you?”

Sagot ni KC, “To be so in love with someone who loves you more than you love them! To be living life and enjoying life with REAL HONEST & LOVING people who won’t leave your side & won’t take advantage of you! To have relationships with those you can laugh with, cry with, celebrate with! Just to be a blessing to the people to come into my life & to give happiness to those I encounter — and also to be out in NATURE by the beach a bikini body is true happiness HAHAHA.”

KC is a lucky woman, hindi man siya lumaki na buo ang pamilya, marami naman ang nagmamahal sa kanya.

Maliit pa lang siya ay naghiwalay na ang mga magulang niya na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Hindi lumaking bratty si KC. Pawang mabubuting tao ang nakapaligid sa kanya lalung-lalo na noong buhay pa ang kanyang Mamita Elaine (ina ni Sharon).

Sumunod naman niyang ipinost ay ang tanong ng isa pang netizen na… “How do you take care of your mental health?”

Aniya, “Therapy is great. Learning to take time to enjoy simple pleasures. Setting boundaries, saying no, limiting exposure to heavy/toxic situations/ppl.”

Ito siguro ang ina-apply ni KC sa kanyang sarili para maging positibo ang lahat ng bagay sa paligid niya.

Hindi nagpaparinig si KC sa kung sinuman. Idinadaan niya sa pagpo-post sa socmed ang mga nasa isip niya para mas umiral ang positive thinking kesa negativity sa kanya.

Sabi nga ng netizen: “If we’d read between the lines, she talked about how much her happiness comes from other people. She herself subtly reveals people often tend to leave her side.”

May nagsabi namang… “She sounds like she would only be happy if she is with someone.”

Tunay na hindi nabibili ng pera ang kaligayahan. Kaya ang tanong ng marami, si KC raw ba ay hindi kuntento sa kung ano’ng meron siya?

Parang madali namang mahalin ang panganay na anak ni Sharon. Marunong siyang mag-handle ng sarili, besides kung nagrerebelde siya, dapat noon pa.

Bilang independent person, nakakayanan niya ang lahat. At sa tingin namin, parang ang hinahanap niya ngayon ay ang pagmamahal ng isang tunay na pamilya.

Sa parte nga kasi niya, hindi niya malaman kung sino ang tatakbuhan ‘pag may mabigat siyang problema lalung-lalo na kung tungkol sa puso.

Oo nga’t nand’yan ang ina’t ama niya, kaya lang, siguro ay nahihiya na siyang lumapit sa mga ito dahil may sari-sariling pamilya na rin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page