Balik-workshop, 10 days inabot… Direk, umaming kumuha ng acting coach para kina Xian at Cristine
- Rohn Romulo
- Feb 3, 2020
- 2 min read

Malapit nang ipalabas ang nakakaintrigang pelikula na Untrue ng Viva Films at IdeaFirst Company na naging opening film sa QCinema International Film Festival noong nakaraang taon.
Ang psychological-drama thriller na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim ay mula sa Kita Kita writer-director na si Sigrid Bernardo.
Gaganap sina Cristine at Xian bilang Mara at Joaquim, ang dalawang Pinoy migrante sa bansang Georgia na malapit sa Russia, Turkey, Armenia at Black Sea.
Kahit na hindi pa man lubusang nagkakakilala, agad na nagpakasal ang dalawa, hanggang mauwi sa sakitan ang kanilang romansa. Sino nga ba ang tunay na baliw sa kanilang dalawa?
Sa pinag-uusapang trailer, parehong maangas ang character na ginampanan nina Cristine at Xian, kung saan nagpamalas sila ng husay sa pag-arte.
Ayon pa kay Direk Bernardo, acting piece ang movie na ito na talagang pinupuri sina Cristine at Xian ng mga nakapanood na, lalo na nang ipalabas ito sa prestigious Tokyo International Film Festival noong October, kasama ng pito pang pelikulang Pinoy.
Kuwento pa ng direktor, nagkaroon sila ng 10-day workshop at kumuha siya ng acting coach. Kinailangan din ni Xian na mag-gain ng 20 pounds at magpatubo ng balbas, habang si Cristine naman ay nagpakulay ng buhok.
Halos lahat ng mga eksena sa Untrue ay kinunan sa Tbilisi, ang capital ng Georgia, na sinasabing one of the safest capital cities sa Europe. Sa pagri-research namin, maraming magagandang tanawin, ‘yun lang, kailangang tiisin ang matinding ginaw na bumagsak sa -1 degrees Celsius o higit pa na naranasan nina Cristine at Xian.
Ibang atake ang ginawa ni Direk Bernardo sa bago niyang obra kaya nagmarka sina Cristine at Xian sa kanilang mga eksena.
Para naman sa mga moviegoers, maging attentive lang mula sa simula ng Untrue para lalo n’yong ma-appreciate ang kabuuan nito. May kakaibang twist ang bagong obra ni Direk Bernardo na tiyak na tatatak na naman katulad ng Kita Kita.





Ever attended a show that left you wondering how your thoughts were read so effortlessly? A london mentalist performance can feel like stepping into another world, where mystery and psychology blend seamlessly. The power of suggestion, observation, and quick thinking creates unforgettable moments for audiences. If you’ve ever witnessed a london mentalist live, you’ll know the thrill of being part of the act, perhaps even having your mind seemingly predicted on stage. Such experiences linger long after the show ends. So, have you ever had a chance to see a london mentalist in action? Share your stories and reactions!