top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

12-anyos, nahulog sa traysikel, nasagasaan ng trak

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 3, 2020
  • 1 min read

NUEVA ECIJA — Patay ang 12-anyos na batang lalaki nang aksidenteng mahulog sa tricycle at masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Tabuating, San Leonardo.

Ang biktima ay nakilalang si John Melmar Lorme, residente ng Bgy. Del Pilar, San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa ulat, nakasakay si Lorme sa tricycle na minamaneho ng kanyang ama at pauwi na sila sa Pampanga nang biglang sakupin ng trak na minamaneho

ng hindi kilalang driver ang linya ng kabilang kalsada. Dahil dito, biglang

iniiwas ng ama ni Lorme ang tricycle na dahilan kaya nahulog ang biktima at nasagasaan ng trak.

Namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na driver ng trak upang sampahan ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page