top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Pebrero 2, 2020 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Feb 2, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2020 (Linggo): Mangu­ngu­na ka at ikaw ang pa­laging una. Pangunahan mo ang pagpa­paganda ng buhay ng mga nasa paligid mo. Ito ang mis­yon mo sa ibabaw ng mundo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at ito ay masu­su­nod. Gan­da­han mo ang gagawin mong pag-uutos, gayun­din, gu­ma­mit ka ng mga salitang hindi sasama ang loob ng iyong uutusan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­suwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-1-20-24-30-34-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Darapo sa iyo ang munting su­werte, pero kapag pinarami mo ito, matutulad ka sa malaking halaman na ang mga puno ay hitik na hitik sa bunga na sobrang masasarap. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-27-29-30-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang pagi­ging alisto. May mga suwerte pa ring ma­bilis na mapupunta sa iyong harapan at kapag nakasa­nayan mo na ikaw ay pala­ging alisto, ang pagyaman ay mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-24-27-39-43.

CANCER (June 21-July 22) - Malakas ang iyong panda­ma kaya ang mga kutob mo ay palaging tama. Hindi ka madaraya kung hindi mo babalewa­lain ang kutob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-17-18-21-26-27-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong ka­li­ligtaan na ka­ilangang naka­sayad ang mga paa mo sa lupa. Ito ang sikreto para hindi ka bumagsak kapag naabot mo na ang pinaka­matayog mo pangarap. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-24-28-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alam mong ma­pag-alinla­ngan at maba­gal ka, gayundin, alam mo na hindi ito tama. Ngayong alam mo na, ayusin mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-21-26-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na may makapasok sa buhay mo na mapagkun­wa­ring mga tapat na ka­ibigan. Sisirain nila ang mga plano mo at ang mga ito ay maiing­git sa papa­gandang buhay mo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-25-38-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang nakatutu­long sa iyo, sila ang unahin mo. Ang mga nasa tabi mo ay tulungan mo rin. Higit mong paha­lagahan ang iyong mga na­aasahan sa panahon ng ka­gipitan. Masu­werteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-9-17-20-21-24-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghin­tay ka ng ma­gan­dang pag­ka­kataon at huwag kang sugod nang sugod. Lakas lang ng loob ang ha­wak mo at sa paghihintay, ang tao ay nagkakaroon ng magan­dang buhay. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-23-39-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ka ngayon kaya isagawa mo na ang mga plano mo at ma­gugulat ka dahil ang lahat ay mangyayari tulad ng iyong inaasahan. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-28-30-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi pu­wedeng mana­himik ka lang na kumikilos. Kailangan mong masabi sa mga pinag­kakatiwalaan mo ang iyong mga plano. Sa pananahi­mik mo, maaari kang da­puan ng sakit. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-22-28-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaki ang ma­itutulong sa iyo ng bagong ka­kilala. Siya rin ay sob­rang mapalalapit sa iyo. Pu­we­deng-puwede kayong mag­karoon ng relasyon na hindi tututol ang langit. Ma­su­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-7-16-25-28-33-37.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page