'Di raw pinanindigan ni Bistek, kay Willie na lang… Kris: 'Wag na tayong mandamay ng mga tao
Beth Gelena / Bulgary Files

Ayon kay Kris Aquino sa kanyang social media account, huwag nang ibalik ang mga alaalang nakabaon na.
Ang tinutukoy ng Queen of All Media ay ang komento ng netizen hinggil sa pagiging magkaibigan nila ni Willie Revillame.
Sey ni @jemapplekristel, “I like when you interviewed Willie sa yate n’ya. Ang sarap ng tawa mo ru’n, haha! And compared to Herbert (Bautista) na hindi ka kayang panindigan dahil ang daming hanash sa buhay – Wowowillie is way better ‘noh! And for me, OK ang narc-OC na tao dahil perfectionist at talagang may achievement sa life.”
Sinagot ni Kris ang komento ng netizen: “Both comments I’ll answer here. GGSS is GANDANG-GANDA sa sarili… and ‘wag na tayo mandamay ng mga taong nakaburol na ang alaala, okey?”
Ayon pa kay Krissy, “Willie and I can joke with each other the way we do because we know we’re friends and he knows my sons both like and respect him because he’s been kind to us simply because he’s our friend – so let’s not mess that up.”
Tama naman ang sinabi ng Queen of All Media, ‘wag nang ibalik ang nakaraan nila ni former QC Mayor Bistek.
Ang panganay ni Kris na si Josh, maliit pa lang, naging paborito na si Willie. Lagi niyang pinapanood ang Wowowee at pinupuntahan pa niya mismo ang TV host sa studio nito nu’ng nasa Kapamilya Network pa si Kuya Wil. Si Josh ang naging daan kaya naging magkaibigan ang dalawa.
On Willie’s part, itinuring na rin niyang anak si Josh. Kapag nalaman ni Kuya Wil na may sakit ang panganay ni Kris ay natataranta rin siya. Kapamilya na raw ang turing niya sa mag-iinang Kris, Josh at Bimby. ‘Wag nang bigyan ng ibang kulay ang pagkakaibigan nila.





Comments