top of page
Pokwang.jpg

Shhhhhh… Raket niya, 'di tumagal…Veteran actress, empleyado na ng kumpanya, mga kinukuhang endor

Erlinda Rapadas T.
Feb 1, 2020
1 min read

BLIND ITEM: Sino itong veteran actress na nangongomisyon pa sa mga talents na kinukuhang endorsers para sa produktong pampaganda? Regular employee siya ng beauty company kaya may regular siyang sahod.

Kumukuha rin siya ng mga artists para maging endorser ng produkto.

Ang siste, hinihingian pa niya ng komisyon ang mga ito. At ‘pag hindi agad nagbigay ay kanyang kinukulit. Nabuking ang kanyang raket sa mga kinukuhang endorser dahil mismong ang mga artista ang nagsumbong sa may-ari.

Nakakapanghinayang dahil malaki ang tiwala sa kanya ng may-ari ng beauty company. Bukod pala sa suweldo ay may libreng produkto ring ibinibigay ang may-ari sa kanya.

Sadyang mabait ang may-ari ng kumpanya pero dahil sa ginawa ng veteran actress ay tinanggal na niya ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page