top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Epal na pulitiko, dagdag-gulo sa takot sa nCoV

  • Editoryal
  • Feb 1, 2020
  • 1 min read

Bukod sa fake news, ang mga epal na opisyal at pulitiko ay dagdag ding panggulo sa pinagdaraanan ngayon ng bansa at ng buong mundo.

Halos nagpa-panic na ang marami sa kumakalat na coronavirus pero kung anu-ano pang pabibo, paninira at paninisi ang pinaggagagawa. ‘Yung iba, todo-explain, kesyo ito ang dapat, ito ang bawal, pero ang totoo ay wala talagang alam at hindi awtorisadong magsalita sa maseselang isyu — pabida!

Kaya sang-ayon tayo sa panawagan ng isang mambabatas na magtalaga ang Palasyo ng isang opisyal na tagapagsalita hingil sa 2019 nCoV ARD o 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease. Sa kanya manggagaling ang lahat ng updates. Siya lang ang may karapatang magsabi kung ano na ang sitwasyon at kung ano ang mga dapat gawin.

Sa ganitong paraan ay makatitiyak ang publiko na tunay ang impormasyong makukuha at higit sa lahat, walang bahid-politika.

Nakadidismaya na nandito na ang nakamamatay na sakit, eh, pamomolitika pa rin ang nasa isip.

Hindi ito oras ng pag-aaway kundi ng pagdadamayan. Isantabi na muna ang mga pansariling ambisyon at ang unahin ay kung paano maisasalba ang buhay ng lahat mula sa epidemya.

Ibigay natin ang pagkakataon at tiwala sa mga eksperto sa kalusugan, hayaan natin silang magtrabaho at magsalita.

Inuulit natin, tumabi-tabi na muna ang mga epal, wala na nga kayong maitutulong, nakadaragdag-perhuwisyo pa kayo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page