'Di kinaya ang patung-patong na problema, Carla… Tom, kumantang nagbalak mag-suicide
- Erlinda Rapadas
- Feb 1, 2020
- 1 min read

Ang taong 2017 ay maituturing na “dark year” sa buhay ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Namatay ang kanyang ama, tapos ay nagkasakit nang malubha ang kanyang bayaw na may apat na anak.
Nakaranas nang sobrang depression noon si Tom at halos ayaw nang lumabas at magtrabaho. Mistulang gumuho ang kanyang mundo at kung anu-ano na ang naiisip niyang gawin. Minsan, nagbalak na rin siyang mag-suicide.
Mabuti na lang at naririyan ang suporta ng kanyang pamilya, ng manager niyang si Popoy Caritativo at ng GF niya for six years na si Carla Abellana.
Hindi siya iniwan at sinukuan ni Carla noong panahon na lugmok siya at madilim ang kanyang mundo.
Muntik na niyang hindi tanggapin noon ang Dragon Lady dahil feeling niya, hindi pa siya naka-move on sa kalungkutan nang mamatay ang kanyang dad.
Gusto muna niyang mapag-isa at magtago. Pero, inalalayan siya ni Carla at ng kanyang manager.
May markado at magandang role si Tom sa seryeng Love of My Life kung saan co-stars niya sina Carla at Mikael Daez with Ms. Coney Reyes. Family drama ito at tiyak na magugustuhan ng mga viewers.
‘Yun lang, maagang e-exit ang role ni Tom dahil mamamatay siya sa istorya.





Comments