top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Muntik na raw lumipat sa Siyete… Hirit ni Beauty: Mas masarap pa rin ang pagkain sa dos!

  • Vinia Vivar
  • Jan 31, 2020
  • 3 min read

Matinding iyakan ang naganap last Wednesday sa finale presscon ng Kadenang Ginto. Hindi na­pigilan ng cast na maging emosyonal habang sinasabi ang experiences at mga nagawa nila sa buhay habang nagtatrabaho sa nasabing serye na 16 months ding umere.

Kaya hindi mo masisisi kung naging close na silang la­hat at naging very memorable rin sa kanila ang show sim­ply because sinubaybayan ng napakaraming televiewers.

Sa simula pa lang ng Q&A ay napaiyak na ang baguhang si Criza Taa, ganu’n din sina Dimples Ro­­mana at Beauty Gonzalez. Medyo emos­yonal din sina Seth Fedelin at Andrea Bril­lantes habang sinasabi kung gaano ka­laki ang naitulong sa kanila ng serye.

Para kay Andrea, answered prayer ang serye dahil dumating ito sa buhay ni­ya nu’ng wala na siyang pera dahil ilang months na siyang walang project.

“Gusto ko pong magpasalamat sa show na ito kasi bago po dumating ang Kadenang Ginto sa akin, medyo lost po ako nu’n, tapos nagdarasal ako kay Lord na ‘Lord, sana, bigyan N’yo po ako ng show kung saan mapapatunayan ko talaga ‘yung pag-acting ko. Bigyan N’yo lang po ako ng blessing o opportunity, promise hindi po Kayo magsisisi na bi­nigyan N’yo ako ng opportunity, ibibigay ko po talaga lahat sa next blessing ko na ito, Lord,’” pahayag ni Andrea.

That time ay sobrang empty daw niya dahil nga kailangan niya ng pera at wala siyang raket or show. Being the breadwinner of the family ay kailangan ta­laga niyang kumita ng pera.

Timing pa na bina-bash siya that time dahil sa pagiging fan niya ng South Korean boy band na BTS. Bukod dito ay nakaramdam din siya ng inggit kapag napapanood ang K-group na nagpe-perform.

“Tapos, lumuhod pa talaga ako, umiiyak ako, ‘Naku, Lord, please, sana bigyan N’yo ako ng chance,’” kuwento pa ni Andrea.

Kaya feeling niya, ang KG ang kasagutan sa kanyang dasal. At tinupad niya talaga ang pangako kay Lord na ibi­bigay ang lahat at itotodo na ang nalalaman sa pag-arte.

Dahil sa serye ay nagkaroon din siya ng maraming en­dorsements at nasimulan na niya ang pagpapatayo ng dream house na matatapos na raw sa April.

Ayon naman kay Seth, sobrang laki ng naitulong ng KG sa buhay ng pamilya niya kaya ‘di niya ito ma­ka­kalimutan.

Tulad ni Blythe (Andrea), sagot din daw sa panala­ngin ni Dimples ang KG dahil bago ito in-offer sa kanya, sinabi raw niya kay Lord na “Lord, kung saan Mo ako dadalhin, susunod lang ako sa ‘Yo.”

At ito raw marahil ang gusto ni Lord for her dahil ito ang serye na dumating sa kanya kung saan sobrang nag­marka ang karakter niya bilang Daniela Mondragon.

“Nagpapasalamat ako na may mga bago akong kapatid,” sey ni Dim­ples at napaiyak na.

For 16 months, lahat daw talaga ng emosyon ng karakter ni Daniela ay nasa kanya pa rin kaya naman napapaiyak ang aktres thinking na magwawakas na ang papel na minahal at kinamuhian ng mga manonood.

Si Beauty naman ay umaming bago ang Kadenang Ginto ay muntik na si­yang lumipat sa kabilang network.

“Muntik na akong maki-fiesta sa kapitbahay natin. Pero mas masarap pa rin ang pagkain sa ABS-CBN. So, bumalik po ako dito at kailangan kong patunayan ang sarili ko na hindi ko na kailangang magbayad ng writer para humaba ‘yung linya ko. Papatunayan ko sa sarili ko na deserving ako kung na­saan ako ngayon,” sey ni Beauty.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page