top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lady Blazers, hindi pinaporma ang SBU sa NCAA Volleyball

  • VA
  • Jan 31, 2020
  • 1 min read

Nakabawi mula sa kanilang kabiguang natamo sa first set dulot ng malamya nilang panimula ang College of St. Benilde upang magapi ang San Beda University,17-25, 25-18, 25-22, 25-22, kahapon sa NCAA Season 95 Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nagsalansan si Gayle Pascual ng 22 puntos na kinabibilangan ng 16 na attacks at 4 na blocks upang pamunuan ang Lady Blazers sa ika-6 na sunod na panalo para mapanatiling malinis ang kanilang marka at patatagin ang kanilang solong pangingibabaw sa women’s division.

Pinamunuan ang Lady Red Spikers na nalaglag sa markang 3-2, sina Cesca Racracquin at Nieza Viray na may tig-13 puntos.

Nauna rito, giniyahan ni Vince Abrot at iniligtas sa kabiguan ang College of St. Benilde mula sa dikdikang laban kontra SBU. Inabot ng limang sets ang laban kung saan namayani ang Blazers, 23-25, 25-17, 27-25, 19-25, 15-9.

Halos napag-iiwanan sa krusyal na decider frame, umiskor ng limang sunod na puntos si Abrot upang isalba ang St. Benilde katulong sina Ryan Daculan at Franz Almonte. “Kailangan talaga nila mag-deliver kasi ‘yun na ang last chance namin,” wika ni St. Benilde coach Arnold Laniog. “Kung hindi pa sila mag step-up doon, saan kami pupulutin niyan.”

Sa kanilang pagkapanalo, umangat ang St. Benilde sa ikatlong puwesto taglay ang kartadang 4-2, kasalo ng Arellano habang pinabagsak nila ang San Beda sa solong panglima taglay ang barahang 3-2.

Samantala, bumalikwas mula sa dalawang sets na pagkakaiwan ang University of Perpetual Help System DALTA upang ma-upset ang defending women’s champion Arellano University, 22-25, 22-25, 25-22, 25-12, 16-14, kamakalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page