top of page
Pokwang.jpg

Kaya inulit sa Subic… Unang kasal nina Mikael at Megan, 10 lang ang bisita!

Erlinda Rapadas
Jan 31, 2020
1 min read

Photo: @meganbata

Sa ginanap na mediacon ng seryeng Love of My Life, nilinaw ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang tungkol sa diumano’y paglilihim nila ni Megan Young sa pla­no nilang pagpapakasal. Marami kasing nagulat nang bigla na lang lumabas ang balitang nagpakasal na sila sa isang chapel sa Subic, Zambales last January 25.

Nauna rito ay may church wedding din na naganap no­ong Jan. 10, sa Calaruega, Batangas kung saan sampu lang ang sumaksi sa kanilang kasal, kasama na ang dalawa nilang kinuhang ninang bilang witness.

Pero ‘yung second wedding sa Subic, 100 ang guests nila at sila na ni Megan ang nag-host ng party after their wedding ceremony.

Paliwanag ni Mikael, actually, hindi nila itinago ang kanilang kasal. Bukod sa kanilang immediate family, may mga friends silang alam ang magaganap na kasalan. Hindi lang sila nag-ingay at ipinaalam sa me­dia at sa publiko at hindi agad nag-post sa social media. Tapos na ang Subic wedding nang ku­malat ang kanilang wedding photos.

At dahil may bagong serye sa GMA-7 si Mikael, ang Love of My Life, hindi pala sila maka­kabiyahe ni Megan for their honeymoon. Wala pa na­man daw silang “baby project” at hin­di nagmamadali. Mag-i-enjoy muna sila bilang husband ang wife.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page