Inaway ang GF dahil palaging nagkukuwento tungkol sa ibang guy
- Roma Amor
- Jan 31, 2020
- 1 min read
Dear Roma, Ako si Ollituz, masaya ako sa girlfriend ko, lalo na kapag magkasama kami dahil madaldal siya at likas na masayahin. Ngunit, nitong mga nakalipas na araw ay panay ang kuwento niya sa akin tungkol sa isang lalaki at nakikita ko sa kanya kung gaano siya kasaya habang kasama ‘yun, base sa pagkakakuwento niya, kaya nakaramdam ako ng tampo o selos. Inaway ko siya at hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakausap. Ano ang gagawin ko? —Ollituz
Ollituz, Kung wala namang ginagawang masama o mali ang girlfriend mo na ikasisira ng relasyon ninyo ay wala kang dapat ipagselos. At sabi mo nga, likas sa kanya ang pagiging masayahin kaya ‘wag kang magtaka kung bakit masaya niya itong ikinukuwento sa iyo. Maipapayo naming kausapin mo na siya at humingi ka ng tawad sa nagawa mong pang-aaway sa kanya. God bless!





Comments