top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alaala ng aktor, babu! Bahay nina Daboy at LT, ipagigiba para gawing townhouse

  • Nitz Miralles
  • Jan 31, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Suot ni Renz Fernandez sa pictorial ng Descendants of the Sun ang sapatos ng dad niyang si Rudy Fer­nandez. Nakita niya ang shoes ng papa niya habang nag­hahanap ng sapatos na dadalhin para sa pictorial. Nagandahan siya rito kaya binitbit niya.

Naikuwento rin ni Renz na magso-solo na siya ng tirahan dahil ide-demolish na ang house nila sa White Plains at magpapa­tayo ng three townhouses sa likod ng dating bahay nila. Doon siya titira sa isa sa mga townhouses at meron din an g mama niyang si Lorna Tolentino at brother na si Ralph Fernandez.

Nanghinayang kami sa bahay nila na gigibain dahil paano na ang memories nito? Napa-“awww” kami sa sagot ni Renz na ang memories sa house nila at sa papa niya ay nasa puso at isip niya, sabay turo sa ulo at hawak sa dibdib.

Anyway, happy si Renz na mapa­bi­lang sa cast ng DOTS kung saan kasama siya sa medical team at ginagampanan ang role ni Dr. Earl Jimeno. Isa siyang general surgeon at dumaan silang lahat sa medical training sa V. Luna Military Hospital at may doctor friends siyang kanyang kinakausap. May doctor din sa taping to be sure na walang magkaka­mali sa members ng medical team.

“I’m very blessed and honored to be in the cast of DOTS na magagaling ang cast, director at staff at high budgeted pa. May chopper pa kami,” pagbabalita pa ni Renz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page