top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sen. Bato sa mga kano: Kung ayaw n'yo sa akin, ayoko rin sa inyo!

Ka Ambo
Jan 30, 2020
1 min read

Wala pa ring kaso ng 2019 novel coronavirus sa ‘Pinas.

Ang balitang ‘yan ay galing mismo sa DOH!

◘◘◘

PARAMI nang parami ang nahahawa ng nCoV sa buong daigdig.

Pero, wala pang namamatay na infected sa labas ng China!

◘◘◘

BAKIT walang special monitoring sa mga Chinese na nasa Pilipinas?

Paano kung itinatago nila ang mga infected?

◘◘◘

MAS marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Kobe Bryant kaysa sa mga namatay sa bayrus na “enkobe” ng China.

‘Yan ang “Kobe war”!

◘◘◘

TAG-ARAW na pero walang naglilinis ng kanal.

Pagsapit ng tag-ulan ngayong Mayo, saka sila magbubungkal ng imburnal.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NAKABALIK na ang mga bakwit ng Taal.

Isang senaryo ng pagsabog na hindi naganap pero nakaperhuwisyo ng libu-libong residente!

◘◘◘

IBINABABALA pa rin ang mapanganib na pagsabog ng “base surge” ng bulkan.

Ito ay ang senaryo — nang walang kaabug-abog na pagsabog tulad sa New Zealand at Mount Vesuvius.

Habang nagluluto ng tanghalian ang mga residente — natabunan agad sila ng abo at iba pang ibinuga ng bulkan!

◘◘◘

SA kabila ng mga kalamidad, sige lang sa paghahanda ang mga presidentiables.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NATIGIL na naman ang earthquake drill.

Wala kasing lindol, eh.

Ha-ha-ha!

◘◘◘

AYON kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kung ayaw ng mga Kano sa kanya, ayaw din niya sa Amerika.

Weeehh?

◘◘◘

MAGBEBENTA ang Russia ng submarine sa Pilipinas.

Huh, hindi nga?

◘◘◘

HINDI nakadaong ang cruise ships sa Subic kasi nagmula sila sa China.

Baka sangrekwang virus ang pasalubong nila sa mga taga-Central Luzon? Pero, may ulat na nakadaong sila sa Maynila.

Ho-ho-ho!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page