top of page
Pokwang.jpg

Kahit pakawalan pa ng Viva… Boy, inayawang i-manage si Nadine

Julie Bonifacio
Jan 30, 2020
2 min read

Pinangangatawanan ni Nadine Lustre ang inilabas niyang official statement that she’s no lo­nger an exclusive talent of Viva Artists Agency.

Ayon sa aming source, inihanda na ni Nadine ang sarili sa consequences ng pag­labas ng official statement niya sa Tonight with Boy Abunda last Monday.

This is the second time na nag-release ng official statement ang kampo ni Nadine sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda.

And why not? Ang programa na lang ni Kuya Boy ang existing showbiz-oriented talk show on TV at very credible na­man ang TWBA sa paglalabas ng exclusive and explosive showbiz news ngayon.

Incidentally, tinanong namin si Kuya Boy tungkol sa pagri-release ng official statement ng kampo ni Nadine. Ipinadala raw ang OS ni Nadine sa ehekutibo ng show at wala siyang kinalaman sa mga desisyon ng ex-girlfriend ni James Reid.

Magkasama kasi sina Kuya Boy at Na­dine sa Kapamilya talent show na Your Moment every Saturday and Sunday, ka­ya marahil ikino-connect ang King of Talk sa aktres.

Last year pa raw nila ginawa ang episodes ng Your Moment and during that time, wala naman daw siyang alam sa mga nangyayari kay Nadine.

Magkikita na lang daw ulit sila ni Na­dine sa grand finals ng Your Moment which is on the first week of February. Baka magkausap sila ni Nadine ‘pag nag­kita sila sa grand finals ng Your Moment.

Samantala, nag-suggest kami kay Ku­ya Boy na kapag na-clear ang air tung­kol sa management contract ni Nadine, baka puwede siyang i-manage ng talent management niya, ang Asian Artists Agency.

“Hindi ko na kayang mag-manage ng big stars, Juls. Okey na ako sa pagi­ging host. At, okey na rin ang Asian Artists sa ta­­lents na hawak nila ngayon. May iba pa akong gustong gawin, eh,” pahayag ni Ku­ya Boy.

Ang nilu-look forward ni Kuya Boy ay makapagturo sa eskuwelahan to continue the legacy of her mom, si Nanay Lesing, na isang mahusay na guro noong siya ay na­bubuhay pa.

Bukod d’yan, marubdob pa rin ang pag­­nanasa ni Kuya Boy na makapag­tayo ng sarili niyang school.

Ay, bongga ‘yan!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page