top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Enero 30, 2020 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Jan 30, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 30, 2020 (Huwebes): Huwag mong ihinto ang pagpa­pakita mo ng kabutihan sa mga tao. Ito rin ang da­hilan kung bakit nagda­rag­saan sa buhay mo ang mga biyaya mula sa langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga malu­lungkot dahil nakahahawa ang lungkot at ito rin ang sanhi ng ka­walan ng gana na ituloy ang mga pagsisikap sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-26-38-43-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatalunin ka ng awa. Ka­ilangang ma­unawaan mo ang kaiba­han na ang awa at pag-ibig ay dalawang bagay na hindi magkatulad. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-29-30-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Maaan­tala ang pag­de­desisyon mo sa mahahalagang proyek­to dahil guguluhin ka ng iyong damdamin at ikaw ay malilito. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-1-19-28-33-35-44.

CANCER (June 21-July 22) – Masuwerte ka ngayon at sa iba pang mga araw na darating. Ibahagi mo sa mga nangangaila­ngan ang ilan sa mga biya­yang ipagkakaloob sa iyo ng la­ngit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-18-21-24-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­tigas ang pani­nindigan mo at dahil dito, ha­hanga sa iyo ang langit. Ang mga taong paiba-iba ang sinasabi ay malabong mag­tagumpay sa buhay. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-25-26-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumikilos ang mga bituin sa langit na may iisang misyon na ginawan ng paraan na mapasaka­may mo ang mga kagustu­han mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-26-28-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa mga gusto mo. Hu­wag kang mag-aalinlangan. Mula noon hanggang nga­yon, ang pag-aalinlangan ay sanhi ng nakapanghihina­yang na mga kabiguan. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-16-22-25-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makiba­hagi ka sa mga gawaing ma­katutulong sa mga nanga­ngailangan. Sa ganitong pa­raan, kikilos ang langit at bi­bigyan ng katuparan ang mga hiling mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-15-20-23-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madada­lian, doon ka. Ito ang susi nang sa gayun ay ma­karamdam ka ng saya. Ang pagpapahirap sa sarili ay susi sa pagkakaroon ng mga karamdaman. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-20-28-39-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sundin ngayon ang bu­long ng iyong damda­min. Bago ka kumilos, pag-aralan mo muna ito nang mabuti. Ito ang men­sahe ng iyong kapala­ran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lot­to-7-19-25-27-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong ang mga ku­wen­to ay kalungkutan dahil baka maawa ka at mahulog ang loob mo. Hindi naku­ku­ha ang tunay na kaliga­ya­han na bunga lang ng awa. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-20-21-27-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man kalaki­han at hindi rin gaanong kara­mihan, ang mga suwerte mo ay sapat para masabi mong ikaw ay hindi nakalilimu­tan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-26-28-37-41.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page