top of page

Sexy picture, pinagpiyestahan sa Instagram… K, napamura nang ikumpara kay Ivana

  • Ador Saluta
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Photo: @kbrosas (left)

Maraming nakapansin na seksing-seksi ang TNT hurado na si K Brosas matapos nitong i-post sa kanyang Insta­gram account ang selfie pagkatapos ni­tong umahon sa swimming pool.

Inihahawig ang singer-comedienne na si K Brosas sa sexy actress na si Ivana Alawi.

Sa nasabing picture na ipinost last Monday (January 27), naka-two-piece ang singer-comedienne at may caption (published as is): “Nakapag-recharge, refresh, relax, spa overhaul, etc.. Thank you Lord! Lablablab! #nofilter [three hearts, praying hands emojis]”

Sang-ayon naman daw si K na ma­raming nagsasabing kaha­wig niya ang 23-anyos na YouTube sensation.

Dahil dito, sinabi ni K na na-curious siya kung sino si Ivana, kaya sinilip niya ang Instagram account nito. At nang makita kung gaano kaganda at ka-sexy si Ivana, napa-react si K ng “Grabeeeee.”

Reply ni K kay Janelle Jamer, “Ang dami ngang nagsasabi, hihi. Kaya na-curious ako at pagka-check ko ng IG niya. Grabeeeee naman, ang ganda. At ang sexy niya, syet!”

Pabirong sumang-ayon si K kay Janelle na ka­­mukha nga niya si Iva­na, pero siya raw, “‘Yung haggard o nausog version” ng dalaga.

Sa huli, nagpasalamat si K sa mga nagsasabing kahawig niya ang mestisang actress-model.

“Pero sige, ako na ‘yung haggard o nausog version ni Ivana, lol! Thanks pa rin [face with stuck-out tongue and winking eye, smiling face with smiling eyes, smiling eyes with open mouth and cold sweat emojis],” saad pa ni K.

Marami namang Instagram followers ni K ang sumang-ayon sa sinabi ni Janelle na kahawig nga ng una si Ivana.

May nagsabi pang parang magka­patid ang dalawa. Si K ay may lahing Kano samantalang Moroccan naman ang tatay ni Ivana.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page