top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pilipinas, binababoy na ng mga Intsik, gobyerno nganga pa rin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2020
1 min read

Habang abala ang karamihan kung paano babangon mula sa pagsabog ng Bulkang Taal at kung paano makaiiwas sa novel coronavirus, aba, may mga busy naman sa paggawa ng kalokohan.

Kung araw-araw ay may mga nahuhuli sa ilegal na droga, halos sunud-sunod din ang mga nabibistong bentahan ng laman at ang sangkot ay pawang mga Chinese national.

Ang istayl, nagpapanggap ang mga prostitute na nagtatrabaho bilang masahista sa SPA facilities. May menu service na ino-order na lamang ng mga Chinese member sa application ng chat group. Tulad ng nasa menu, nakalagay na ang presyo ng isang prostitute, io-order online at darating na lamang sa isang hotel o condo.

Mistulang pagkain sa isang restoran na ino-order at hihintaying mai-deliver, ‘ika nga, isang click lang.

Ang nakapagtataka, ilang sex den na ang na-raid at marami-rami na rin ang naaresto pero, hanggang ngayon ay may malalakas pa rin ang loob na pasukin ang prostitusyon.

Huwag nating hayaang gawing pugad ng prostitusyon ang ating bansa. Nakadidismaya na habang sinisikap nating ingatan ang ating imahe ay may iilan o may mga dayuhan na bumababoy naman nito.

Kaya hamon lalo na sa ating gobyerno, baka naman may paraan o tapang tayo laban sa mga kapalmuks na ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page